INAASAHAN ng economic think tank ANZ Research na itataas pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang key policy rates nito ng 25 basis points sa Disyembre bagama’t umabot na sa sukdulan ang inflation rate noong Oktubre.
“We now think that inflation has peaked,” pahayag ng . Australia, New Zealand at Asia-focused research firm makaraang maitala ang inflation sa 6.7 percent noong Oktubre, kapareho lamang ng naiposte noong Setyembre.
Batay sa report, ang pinakabagong inflation figure ay mas mataas sa market expectations na 6.6 percent.
Bagama’t hindi nagbago ang inflation rate noong Oktubre, ang average inflation sa unang 10 buwan ng taon ay tumaas sa 5.1 percent mula sa 5 percent noong end-September.
Ang inflation target ng pamahalaan hanggang 2020 ay sa pagitan ng 2 at 4 percent.
Sa pagtaya ng ANZ Research, ang final rate hike ng BSP ay 25 bps sa 4.75 percent.
Ang Monetary Board ng central bank ay magpupulong sa Disyembre 13.
Comments are closed.