(BSP sa publiko) MAG-INGAT SA PEKENG PERA

PINAYUHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na regular na inspeksiyunin ang banknotes upang ma-check kung tunay o peke ang mga ito.

“It is advisable to use the ‘feel, look and tilt’ approach,” sabi ng BSP sa isang statement.

Ayon sa central bank, kung ang isang banknote na inilabas ng isang ATM ay pinaghihinalaang peke, ang mga consumer ay pinapayuhang agad na i-report ito sa bangko na nagmamay-ari sa machine.

“An investigation will be conducted by the bank and if the claim is verified, the bank should replace the banknote in questions,” sabi pa ng BSP.

Tiniyak din ng BSP sa publiko na nakapag-deploy ang mga bangko ng “adequate risk management measures” upang mapigilan ang mga insidente ng counterfeiting.

Bukod sa cameras, sinabi ng BSP na ang cash handlers at service providers ay sinanay para matukoy ang pekeng pera.

Sa ilalim ng BSP Circular No. 829, Series of 2014, ang mga bangko ay inaatasang isumite ang pinaghihinalaang banknotes sa BSP para sa karagdagang pagsusuri.