BULACAN – MAAGANG pinauwi ang libo-libong mga mag-aaral ng Bulacan State University (BSU) sa unang araw ng buwan ng Oktubre dahil sa bomb scare.
Sa inisyal na impormasyon ng awtoridad, nagmula ang bomb scare sa isang text message na ang nakasulat ay “this is the last time I am warning you, goodbye Bulacan State University Bustos and Malolos Campus 3, bomb will explode today goodluck, mula sa isang mag-aaral ng naturang unibersidad.
Ganap na alas-8:30 kaninang umaga nang palabasin ng mga professor ang kanilang mga estudyante dahil sa bomb scare.
Nabatid na ngayon araw na ito itinakda ang midterm examination ng naturang campus.
Samantala, patuloy naman ang inspection ng mga miyembro ng bomb squad ng Bulacan PNP sa lugar.
Kaugnay nito ay nagbabala naman si City Mayor Atty. Christian Natividad na pananagutin ang nasa likod ng naturang bomb scare na nagdulot ng matinding takot sa mga mag-aaral. THONY ARCENAL
Comments are closed.