NAKALULULA na ang latest album ng BTS ay nasa dalawang milyon na ang nabenta.
Nobyembre 20 ng alas-2 ng hapon KST, BTS ay nakamit ng mga ito ang matagumpay na pagbabalik sa kanilang album “BE (Deluxe Edition)” na may title track na “Life Goes On.”
Kinabukasan ay inianunsiyo ng Big Hit Entertainment na ayon sa Hanteo Chart data, ang “BE (Deluxe Edition)” ay nakapagbenta ng mahigit sa 2 milyong kopya sa loob lamang ng 20 oras nang ito ay mailabas.
Ang album ay nakapagbenta ng mahigit isang milyong kopya sa loob lamang ng 30 minuto ng pagkaka- release nito.
Ito na ang tinaguriang fastest album sa kasaysayan ng Hanteo Chart, at nakapagbenta ng mahigit 1.95 million copies sa official first day of sales nitong Nobyembre 20.
Nangunguna rin ang “BE (Deluxe Edition)” at “Life Goes On” sa iTunes charts sa buong mundo na magkasabay na ang album at title track nito ay No. 1 na sa may 90 iba’t ibang rehiyon sa wala pang isang araw na na release ito.
Comments are closed.