BUBBLE BOXING SA CEBU

Boxing

SA UNANG pagkakataon sa bansa, idaraos ng Cebu-based Omega Sports Promotions ang roundbreaking ‘bubble’  boxing card sa Oktubre  7 sa loob ng International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.

“We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” wika ni Omega Sports Promotions chief Jerome Calatrava Tuesday sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum noong Martes.

May basbas ng Games and Amusements Board (GAB) na pinamumunuan ni chairman Baham Mitra, ang pro ring  program ang unang idaraos sa buong bansa magmula nang i-lock down ng government authorities ang buong Luzon noong mid-March para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic, na nagresulta sa suspensiyon ng lahat ng sports events.

Kilala sa alyas na ‘Joe Romeo’ bilang isang disc jockey, inihayag ni Calatrava ang apat na laban at ang mga sangkot na boksingero sa pinakaabangang event sa  naturang forum.

Magbabakbakan sina Omega’s Ronnie Vecilles at Baguio’s Junel Lacar sa light-flyweight (108-pound) clash in 10 rounds, habang makakasagupa ni stablemate Christian  Araneta si Richard Rosales ng Bohol  sa isa ring 10-round light-flyweight match.

Maghaharap naman sina Omega’s Penitente Apolinar at Cagayan de Oro’s Jetro Pabustan sa isang featherweight  (126-pound) bout sa ikatlong 10-rounder, habang magtutuos sina stable partner Carlo Bacaro at fellow Cebuano Jeffrey Stella sa isang light-welterweight (140-pound) encounter na nakatakda sa anim na rounds.

Si Vecilles ang reigning World Boxing Association South light-flyweight champion at ranked No. 10 sa World Boxing Council (WBC) ratings, habang si Araneta ay ex-WBC Asia silver champion sa  light-flyweight division.

“All the boxers are excited and itching to fight. The excitement cannot be described, including the opponents of our boxers,” sabi ni Calatrava.

Kabilang sa mga produkto ng Omega stable ay sina World Boxing Organization (WBO) bantamweight John Riel Casimero, na matagumpay na naidepensa ang kanyang korona sa US noong nakaraang weekend,  at world title contender Jhack Tepora.

“We would like to also thank GAB chairman Mitra’s backing in staging this event,” dagdag ng promoter, na binigyang-diin na kailangan nilang mahigpit na sumunod sa quarantine protocols na inilatag ng GAB para matuloy ang mga laban.

Sinabi ni Calatrava na lahat ng boksingero at  personnel na may kinalaman sa  card ay sumailalim sa rapid tests at tumuloy sa IPI compound sa Mandaue City, at sasailalim sa  swab test, dalawang araw bago ang boxing program.

“We will have about 50 people involved, including the boxers, crew, and the one referee we hired for the event that will be held in closed doors with GAB officials watching,” aniya.  “We will then play the video of the event on our Facebook page Omega Boxing Gym on a delayed basis.” CLYDE MARIANO

Comments are closed.