HALL of famer ang Kapuso longest running gag show na “Bubble Gang.”
Pararangalan ang nasabing show sa 32nd Star Awards for TV na gaganapin sa Henry Lee Irwin Theater sa Oktubre 14.
Tinanghal namang lifetime achievement awardees sina Quezon City Mayor at actor Herbert Bautista at veteran broadcaster na si Arnold Clavio.
Kinilala ng Philippine Movie Press Club ang naging kontribusyon nina Bautista at Clavio sa pagsulong ng telebisyon sa larangan ng pag-arte at broadcasting.
Ang Sunday noontime variety show naman na “ASAP” ay iaangat bilang Hall of Famer ngayong taon na nanalo na ng labing-anim na beses bilang best musical variety show.
Ang longest running drama anthology na iniho-host ni Charo Santos na MMK ang Hall of Famer as best drama anthology, samantalang ang longest running musical variety show na “Eat Bulaga” ay iaakyat bilang Hall of Famer sa best variety show category.
Ang TV host na si Boy Abunda ay wagi rin bilang Hall of Famer sa Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host category.
Ang 32nd PMPC Star Awards for TV na prodyus ng Airtime Marketing ay gaganapin sa Oktubre 14.
JASON ABALOS NA-CHALLENGE SA KANYANG TRANSWOMAN ROLE
PANIBAGONG challenge sa kakayahan ng award-winning actor na si Jason Abalos ang kanyang role sa bagong teleserye niya sa Kapuso channel.
Hindi rin big deal sa kanya kung hindi na siya ang gaganap na leading man nina Kris Bernal at Thea Tolentino sa nasabing teleserye.
Nabago na raw ang casting nito kaya okey lang sa kanya kung naitsapuwera siya rito.
Gayunpaman, parte pa rin daw siya ng show at mas challenging ang magiging role niya.
First time daw kasi niyang gaganap bilang transwoman sa teleseryeng “Asawa Ko, Karibal Ko”.
MGA PELIKULA TUNGKOL SA MGA KATUTUBO TAMPOK SA NATIONAL INDIGENOUS MONTH
BILANG pagdiriwang sa National Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre, inihahandog ng UPFI Film Center – Cine Adarna ang dalawang obra ng acclaimed filmmaker na si Dexter Macaraeg.
Ito ay ang BALITOK (Gold) at AM-AMMA (Heirloom) na ipalalabas ng libre ngayong araw sa ganap na ala-una ng hapon.
Ang Balitok (Gold) ay tumatalakay sa small-scale illegal mining activity sa Licuan-Baay, Abra na nagtatampok kina Kristofer King, Felipe Ronnie D. Martinez, Lito Capina, Gay Quililan, Mikee Lim, Lloyd Ara III, Dominic Carpio at Red Martin na iprinudyus ng Center Stage Productions.
Sa pelikulang ito, nagwagi si Kristoffer King ng best actor Gold award sa NYC Indie Film Awards noong 2016.
Nagkamit din ito ng best screenplay bronze award para kay Dexter Macaraeg sa nasabing filmfest.
Ang Am-Amma (Heirloom) ay kuwento ni Norma Agaid Mina, isang Tingguian indigenous loom weaver mula sa Peñarrubia, Abra. Naging nominado ito para sa kategoryang best Documentary Film sa 2018 Sinag Maynila filmfest.
Opisyal na kalahok din ito sa 8th International Film Festival Manhattan sa New York na gaganapin mula Oktubre 17-21, 2018.