(Bubuksan na sa Abril) LRT-2 EAST EXTENSION PROJECT

LRT-2 EAST EXTENSION

HALOS 100 porsiyento nang tapos ang Light Rail Transit Line 2-East Extension Project, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Hanggang noong katapusan ng Enero, ang proyekto ay 96.29 porsiyento nang kumpleto.

Target ng DOTr na pasinayaan ang proyekto sa Abril  26, 2021 at simulan ang partial operations nito kinabukasan.

Noong Enero ay personal na ininspeksiyon ni DOTr Secretary Arthur Tugade, kasama ang ambassador at iba pang opisyal ng Embahada ng Japan, at mga opisyal mula sa D.M Consunji Inc. (DMCI) ang pasilidad.

Ang LRT-2 East Extension Project na magkokonekta sa Metro Manila at sa lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng pagdurugtong ng Santolan station at da­lawang karagdagang istasyon patungong Antipolo sa Rizal ay inaasahang magdudulot ng malaking ginhawa sa mga pasahero,.

Ayon sa ahensiya, bukod sa makatutulong ito sa pagluwag ng trapiko, mababawasan din nito ang biyahe mula Recto sa Maynila patungong Antipolo na mula sa dating tatlong oras na biyahe ay magiging 40 minuto na lamang.

Comments are closed.