NAGPALABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng memorandum circular na nagpapahintulot sa mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na muling magbukas simula sa Marso 5.
Nakasaad sa Memorandum Circular (MC) No. 21-08 na ang mga sinehan sa GCQ areas ay papayagan lamang mag-operate ng hanggang 25- percent capacity.
Gayunman, ang moviegoers ay bawal kumain at uminom, at kailangang isuot ang face mask sa lahat ng pagkakataon sa loob ng sinehan.
Kailangan din ang one-meter physical distance sa loob ng sinehan.
“In the event of free seating, cinema staff shall usher customers to their seats to comply with the physical distancing and maximum operational capacity requirements,” nakasaad sa MC.
Samantala, ang mga sinehan sa tmodified general community quarantine (MGCQ) areas ay papayagang mag-operate sa 50-percent capacity.
Pinapayagan din ng MC ang operasyon ng libraries, archives, museums, at cultural centers sa 50 percent sa GCQ areas, at 75 percent sa MGCQ areas.
Ang kaparehong operation capacity ay ipatutupad din para sa video at interactive game arcades, limited tourist attractions such as parks, theme parks, natural sites, at historical landmarks.
Ang meetings, incentives, conferences, and exhibitions (MICE) industry ay papayagan ding muling magbukas simula sa Biyernes sa 50-percent capacity sa GCQ areas at 75 percent sa MGCQ areas, maliban sa limited social events na pinapayagan sa mas mababang kapasidad na 30 percent ss GCQ areas at 50 percent sa MGCQ areas.
“Following the earlier agreement at the IATF (Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), DTI issued the circular that will guide the implementation of a safe and gradual reopening of more businesses and economic activities. This is part of our mandate to ensure that as more businesses reopen to provide more jobs and sources of income for our countrymen, the strict health protocols are enforced,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Ayon kay Lopez, bagama’t patuloy na binubuksan ng pamahalaan ang mas maraming negosyo, dapat na nahigpit na ipatupad ang minimum health measures.
“The past year proved to be very challenging as we were faced with unprecedented situations that demanded extraordinary responses, but it was also a time for growth and collaboration. Through the continued partnership of government agencies and with the strict adherence of our countrymen to health and safety protocols, we will continue to see signs of recovery,” dagdag pa niya. PNA
691089 234648Hey there, I think your weblog may well be having browser compatibility issues. When I look at your website in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, superb blog! 525972