BUCKS HUMIRIT SA GAME 3

bucks vs suns

NAGBUHOS si Giannis Antetokounmpo ng 41 points at 13 rebounds at kinuha ng Milwaukee Bucks ang Game 3 ng NBA Finals sa pamamagitan ng 120-100 pagdurog sa Phoenix Suns noong Linggo ng gabi.

Ang pagbabalik sa home ay tila nagbigay rin ng bagong buhay sa sidekick ni Antetokounmpo na si Khris Middleton at kay point guard Jrue Holiday.

Nagtala si Middleton ng 15 first-half points at kumonekta si Holiday ng apat na 3-pointers sa mainit na third quarter kung saan pinalobo ng Bucks ang kanilang 15-point halftime lead sa 22.

Tumipa si Holiday ng 21 points at nagdagdag si Middleton ng 18.

Nakatakda ang Game 4 sa Huwebes (Manila time) sa Milwaukee.

Naghabol ang Phoenix sa second quarter at hindi na nakabawi pa kung saan nangamote si top scorer Devin Booker sa 3-of-14 shooting.

Tinapyas ng Milwaukee ang series lead ng Phoenix sa 2-1.

Nanguna si Chris Paul para sa Suns na may 19 points at 9 assists.

Leave a Reply

Your email address will not be published.