BUCKS KINALDAG ANG SIXERS

NAGBUHOS si Damian Lillard ng 30 points upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 124-109 road win laban sa Philadelphia 76ers Miyerkoles ng gabi sa season opener ng parehong koponan.

Nag-ambag si Giannis Antetokounmpo ng 25 points sa 8-of-11 shooting na sinamahan ng 14 rebounds at 7 assists paea sa Milwaukee. Nagdagdag si Bobby Portis ng 16 points sa 7-of-10 shooting mula sa bench, habang umiskor din si Taurean Prince ng 16 points, tampok ang 4-of-5 success sa 3-point attempts.

Naipasok ni Tyrese Maxey ang 10 sa 31 attempts tungo sa 25 points para sa Philadelphia, na naglaro na wala sina Joel Embiid at Paul George, na kapwa nagpapagaling sa knee injuries. Nag-ambag si Kelly Oubre Jr. ng 21 points, habang gumawa si Andre Drummond ng 10 points at 13 rebounds.

Pelicans 123, Bulls 111
Umiskor si Brandon Ingram ng 33 points at nagdagdag si CJ McCollum ng 23 nang gapiin ng host New Orleans ang Chicago sa season opener ng parehong koponan.

Nagsalansan si Dejounte Murray ng 14 points, 10 assists at 8 rebounds, nagtala si Jordan Hawkins ng 13 points at nag-ambag si rookie Yves Missi ng 12 upang tulungan ang Pelicans na malusutan ang pagliban ni Zion Williamson (illness).

Tumipa si Zach LaVine ng 27 points at nakalikom si Nikola Vucevic ng 21 points at 11 rebounds para sa Bulls. Umiskor si Lonzo Ball, naglaro sa isang regular-season game sa unang pagkakataon magmula noong Jan. 14, 2022, makaraang makarekober mula sa knee issues, ng 5 points sa 14 minutong paglalaro.

Pacers 115, Pistons 109
Tumapos si Myles Turner na may 20 points, 9 rebounds, 4 assists at 4 blocks at sinira ng bisitang Indiana ang unang laro ni J.B. Bickerstaff bilang head coach ng Detroit sa season opener para sa parehong koponan.

Nagposte si Pascal Siakam ng 19 points, 8 rebounds at 9 assists at umiskor din si Bennedict Mathurin ng 19 points para sa Indiana, na nalusutan ang 12-point second-half deficit. Kumabig si Tyrese Haliburton ng 15 points, at nag-ambag si T.J. McConnell ng 14.

Nanguna si Cade Cunningham para sa Pistons na may 28 points at 8 assists. Gumawa si Jaden Ivey ng 17 points, at nagdagdag sina Tim Hardaway Jr. at Malik Beasley ng tig-14 points. Nagdagdag si Jalen Duren ng 13 points at 13 rebounds, at nagposte si Tobias Harris ng 13 points.

Magic 116, Heat 97
Kumana si Paolo Banchero ng 33 points at kumalawit ng 11 rebounds upang pangunahan ang Orlando saseason-opening win sa Miami.

Nagdagdag si Franz Wagner ng 23 points para sa Magic, at nagbuhos si Wendell Carter Jr. ng game-high 14 rebounds. Nakakuha rin ang Orlando ng 18 points mula sa bench kay Gary Harris, na nagtala ng 6 of 9 sa 3-point attempts.

Nanguna si Terry Rozier para sa Miami na may 19 points, at tumipa si Nikola Jovic ng 15 points. Gayunman, si Jimmy Butler ay 1-for-8 shooting at tumapos na may 3 points, at nalimitahan si Bam Adebayo sa 9 points at 5 rebounds.

Cavaliers 136, Raptors 106
Tumirada si Evan Mobley ng 25 points at kumalawit ng 9 rebounds nang pataubin ng bisitang Cleveland ang Toronto sa kanilang season opener.

Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 21 points para sa Cavaliers, na nakontrol ang laro sa second quarter at lumamang ng 26 papasok sa fourth. Naitala ni Caris LeVert ang 15 sa kanyang 19 points sa third quarter para sa Cavaliers at bumuslo ng 8-for-9 mula sa field.

Nagtala si Chris Boucher ng 18 points para sa Raptors, na sinimulan ang kanilang 30th season. Nagdagdag si Gradey Dick ng 16 points. Hindi naglaro si Immanuel Quickley sa second half dahil sa right pelvic contusion. Tumapos siya na may 13 points at 4 assists.

Sa iba pang resulta: Hawks 120, Nets 116; Hornets 110, Rockets 105; Warriors 139, Trail Blazers 104