BUCKS NAKAULIT SA RAPTORS

cavs

NAIPASOK ni Malcom Brogdon ang dalawang 3-pointers sa huling bahagi ng  fourth quarter, kabilang ang isa para sa go-ahead points, may 40.7 segundo ang na­lalabi, upang tulu­ngan ang bumibisitang Milwaukee Bucks na pataubin ang Toronto Raptors, 104-99, noong Linggo ng gabi.

Tumapos si Brogdon na may 18 points para sa Bucks, na dalawang beses nang tinalo ang Raptors ngayong season.

Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 19 points at humugot ng 19 rebounds para sa Bucks at gumawa rin si Brook Lopez ng 19 points, habang tumipa sina Khris Middleton at Tony Snell ng tig-10 points.

Kumabig si Serge Ibaka ng 22 points, habang nagdagdag sina Kawhi Leonard ng 20, Fred VanVleet ng 19 at Pascal Siakam ng 17 para sa Raptors, na natalo ng dalawang sunod.  Hindi nakapuntos si Kyle Lowry para sa Raptors sa unang pagkakataon magmula noong Marso 17, 2013, laban sa Miami Heat.

SPURS 110,

JAZZ 97

Nagbuhos si DeMar DeRozan ng 26 points at nag-ambag si Rudy Gay  ng 23 points at career-high-tying 15 re-bounds nang igupo ng host San Antonio ang Utah.

Ang panalo ay ikalawang sunod para sa Spurs at nagbigay sa kanila ng consecutive victories sa unang pagka-kataon magmula nang magwagi ng apat na sunod sa loob ng walong araw magmula Oktubre  27 hanggang No-byembre 3.

Nanguna si Donovan Mitchell para sa Jazz na may 27 points, habang umiskor si Ricky Rubio  ng  26 at nag-dagdag si Rudy Gobert ng 12 para sa Utah, na naputol ang two-game winning streak.

PELICANS 116, PISTONS 108

Nagtuwang sina Jrue Holiday at Julius Randle para sa 65 points upang malusutan ang limitadong performance ni Anthony Davis nang daigin ng New Orleans Pelicans ang host Detroit.

Kumamada si Holiday ng 37 points at nagdagdag si Randle ng 28 habang nalimitahan si Davis sa anim na pun-tos sa loob ng 26 minuto kung saan naglaro siya na may injured hip na natamo sa first quarter. Nag­dagdag si Tim Frazier ng 14 points at umiskor si Nikola Mirotic ng 12 mula sa bench at nalasap ng Pelicans ang ikatlong panalo sa limang laro.

Tumirada si Blake Griffin ng 35 points, nagdagdag si  backup Langston Galloway  ng 24  at humataw si Andre Drummond ng 23 points at 19 rebounds upang pangunahan ang Pistons, na natalo ng apat na sunod matapos ang five-game winning streak.

HORNETS 119, KNICKS 107

Gumawa si Kemba Walker ng 25 points bago inilabas sa buong fourth quarter nang magaan na mamayani ang Charlotte laban sa  host New York.

Nanalo ang Hornets (13-13) ng dalawang sunod, ang una ay ang impresibong home win laban sa Denver noong Biyernes ng gabi. Na­nguna si  Kevin Knox para sa Knicks na may 26 points mula sa bench. Nakakuha rin ang Knicks ng 21 points mula kay Tim Hardaway Jr. at 18 kay Frank Ntilikina.

Comments are closed.