BUCKS PINASABOG ANG ROCKETS

Bucks

NAGPOSTE si Giannis Antetokounmpo ng triple-double bago na-foul out, at binura ng Milwaukee Bucks ang 16-point deficit upang matakasan ang host Houston Rockets 117-111.

Tumapos si Antetokounmpo na may 30 points, 13 rebounds at 11 assists bago nakuha ang kanyang ika-6 na foul, may 5:18 ang nalalabi. Abante ang Bucks sa 101-95 sa puntong ito, ngunit hindi sila bumigay habang nanonood sa bench ang kanilang star player.

Ang sama-samang pagsisikap ang naghatid sa Milwaukee sa panalo sa regular-season opener para sa dalawang koponan kung saan pitong Bucks ang umiskor ng double figures.

Tumipa si Wesley Matthews ng 14 points habang nag-ambag si Ersan Ilyasova, na nagbigay sa Milwaukee ng ­unang kalamangan nito sa 91-90 sa second-chance basket, may  8:34 ang nalalabi sa laro, ng 13 para sa Bucks.

Gumawa sina Eric Bledsoe, Khris Middleton at Brook Lopez ng tig-11 points at nagdagdag si Pat Connaughton ng 10.

Nagbuhos si Russell Westbrook ng 24 points, 16 rebounds at 7 assists sa kanyanf Houston debut habang kumamada si James Harden ng 19 points, 14 assists at 7 rebounds. Tumapos si Clint Capela na may  13 points at 12 rebounds.

Hawks 117, Pistons 100

Naitala ni Trae Young ang 25 sa kanyang game-high 38 points sa first half at nagdagdag ng 9 assists at 7 rebounds upang pangunahan ang Atlanta Hawks sa panalo sa kanilang season opener sa Detroit.  Nagtala si Young ng  11 of 21 mula sa floor, kabilang ang  6 of 10 mula sa  3-point range.

Uniskor si Derrick Rose ng 27 points mula sa bench, at nagdagdag si Andre Drummond ng 21 points at 12 rebounds sa pagkatalo ng Pistons.

Clippers 141, Warriors 122

Naitala ng Los Angeles ang unang 14 points sa kasaysayan ng regular-season sa bagomg tahanan ng Golden State, ang Chase Center sa San Francisco, at sumandal sa balanseng scoring laban sa five-time defending Western Conference champions.

Nagpasabog si Lou Williams ng 22 points upang pangunahan ang limang Clippers na may 16 o higit pang puntos.

Naglalaro ng regular-season game sa San Francisco sa unang pagkakataon magmula noong 1971, pinanood ng  Warriors ang pagkamada ni Clippers center Ivica Zubac ng unang limang puntos sa Chase Center regular-season history at nagdagdag su Patrick Patterson ng pares ng 3-pointers sa game-opening, 14-0 flurry.

Comments are closed.