BUCKS RUMESBAK; JAZZ 2-0 NA

bucks vs nets

NAISALPAK ni Jrue Holiday ang go-ahead driving layup, may 11.4 segundo ang nalalabi, at hinigpitan ng Milwaukee Bucks ang kanilang depensa kontra bisitang Brooklyn Nets para sa 86-83 panalo sa Game 3 ng kanilang  Eastern Conference semifinal playoff series noong Huwebes ng gabi.

Sa isang klasikong two-on-two showdown hanggang sa kabayanihan ni Holiday, dinaig nina Bucks standouts Khris Middleton (35 points) at Giannis Antetokounmpo (33) sina Nets counterparts Kevin Durant (30) at Kyrie Irving (22), upang tulungan ang Milwaukee na magwagi sa unang pagkakataon sa best-of-seven series.

Lalaruin ang Game 4 sa Linggo ng hapon sa Milwaukee.

Makaraang hayaan ang 115 at 125 points sa unang dalawang laro ng series sa Brooklyn, nalimitahan ng Bucks ang Nets sa 36.2 percent shooting subalit naghabol pa rin sa 83-80 matapos ang 3-pointer ni Durant, may 1:23 ang nalalabi.

Gayunman ay hindi na muling nakaiskor ang Nets.

Inilapit ni Middleton ang Bucks sa 83-82 sa isang layup, may 1:17 sa orasan.

May mga pagkakataon ang Nets na humabol at tumabla, subalit nagmintis si Bruce Brown sa kanyang tira, may 6.4 segundo sa orasan. Makaraang magdagdag si Middleton ng pares ng free throws upang palobohin ng  Milwaukee ang kalamangan sa tatlo, sumablay si Durant sa desperation 3-point attempt sa buzzer.

Kumalawit din si Middleton ng game-high 15 rebounds, at nagdagdag si Antetokounmpo ng 14 boards.

Tumapos si Holiday na may 9 points bilang third-leading scorer para sa Bucks, na galing sa 125-86 pagkabigo sa Game 2.

Nagwagi ang Bucks sa kabila ng pagbuslo lamang ng 6 of 31 3-point attempts (19.4 percent), kung saan nakinabang sila sa paglimita sa Nets sa 8 of 32 (25 percent) mula sa long range.

Tinulungan ni Brown sina Durant at Irving para sa Brooklyn na may 16 points at 11 rebounds. Nagtala rin si Durant ng 11 boards.

JAZZ 117, CLIPPERS 111

Nagbuhos si Donovan Mitchell ng 37 points upang pangunahan ang Utah Jazz sa 117-111 panalo laban sa Los Angeles Clippers at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang Western Conference semifinal series.

 

Naitala ni Mitchell ang 27 sa kanyang kabuuang puntos sa first half pa lamang habang nag-ambag si Jordan Clarkson ng 24 points mula sa bench para sa Jazz.

Nagwagi ang West No. 1 seed Utah sa Game 1, 112-109.

Nanguna si Reggie Jackson para sa No. 4 Los Angeles na may 29 points at nagdagdag si Paul George ng 27 points, 10 rebounds at 6 assists.

Sa likod ng scoring nina Mitchell at Clarkson, hinawakan ng Jazz ang comfortable lead sa half, 66-53. Nagtuwang ang dalawa para sa 42 points sa unang dalawang periods.

6 thoughts on “BUCKS RUMESBAK; JAZZ 2-0 NA”

  1. Howdy! I could have sworn I’ve been to this website before but after browsing through some of the post I realized it’s new to me.
    Anyhow, I’m definitely delighted I found it and I’ll be
    book-marking and checking back often!

  2. Greetings! Very helpful advice within this article!
    It is the little changes which will make the
    largest changes. Thanks a lot for sharing!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *