NALUSUTAN ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks ang fourth-quarter surge mula sa 76ers upang simulan ang kanilang NBA season sa 90-88 panalo sa Philadelphia nitong Huwebes.
Muntik nang magtala ang two-time NBA Most Valuable Player na si Antetokounmpo, pinangunahan ang Bucks sa 2021 title, ng triple-double na may 21 points, 18 rebounds at 8 eassists at ipinalasap ng Bucks sa Sixers ang kanilang ikalawang kabiguan sa season.
Naitala ni James Harden ang 16 sa kanyang 31 points sa fourth quarter upang pangunahan ang comeback bid ng Philadelphia na tinampukan ng 13-0 scoring run at nagbigay sa 76ers ng 86-84 kalamangan, wala nang dalawang minuto sa orasan.
Ito ang kanilang unang kalamangan magmula sa opening basket ng laro, ngunit hindi nila ito nasustinahan.
Isang three-pointer ni Wesley Matthews, may 23.8 segundo ang nalalabi, ang nagbigay sa Milwaukee ng 89-88 bentahe, may 25.7 segundo sa orasan.
Umiskor si Brook Lopez ng 17 points at nagdagdag si forward Grayson Allen ng 12 para sa Milwaukee, na naglaro na wala si Khris Middleton na nagrerekober mula sa surgery sa kanyang left wrist noong July.
Tumipa si Philadelphia star center Joel Embiid ng 15 points at 12 rebounds ngunit gumawa ng apat na turnovers. Nag-ambag si Tyrese Maxey ng 15 points para sa Sixers, na natalo sa kanilang season opener sa Celtics noong Martes.
Clippers 103, Lakers 97
Sa kanyang unang NBA game sa loob ng mahigit isang taon ay kumana si Kawhi Leonard ng 14 points at 7 rebounds upang tulungan ang Los Angeles Clippers na pataubin ang crosstown rival Lakers.
Tinalo ng Clippers, umaasang ang pagbabalik ni Leonard mula sa torn knee ligament, ay magbibigay sa kanila ng unang NBA title, ang 17-time champion Lakers sa ika-8 sunod na pagkakataon.
Umiskor si Paul George ng 15 points at nag-ambag si John Wall ng 15 sa kanyang unang laro para sa Clippers.
“It’s amazing,” wika ni Leonard sa kanyang paglalaro sa full-strength Clippers team. “You see tonight, everybody is out there contributing on the defensive end and on the offensive end.”
Si Leonard, nagwagi ng mga titulo sa San Antonio Spurs at Raptors, ay nagmula sa bench sa unang pagkakataon magmula noong 2013 at naglaro sa loob ng 21 minuto.
“I feel good,” ani Leonard , at idinagdag na ang manggaling sa bench ay hindi isang mahirap na adjustment.
“I pretty much do my same routine, keep my focus and tell myself it’s something that’ll help in the long run,” sabi pa ni Leonard.
Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Lakers sa pagsisimula ng season.