NAGBUHOS si Giannis Antetokounmpo ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 119-108 panalo kontra New York Knicks noong Biyernes ng gabi.
Naitala ni Antetokounmpo ang 9 points sa 18-0 run na nagbigay sa Bucks ng 24-point lead sa third quarter. Tinapyas ng Knicks ang deficit sa siyam sa huling dalawang minuto ngunit hindi na nakalapit pa.
Ang Milwaukee (4-0) ang nalalabing unbeaten team sa NBA kung saan sinasamantala ng Bucks ang early season-high, six-game homestand.
Kumubra si Brook Lopez ng 14 points at 11 rebounds para sa Bucks, habang nakalikom si Bobby Portis ng 12 points at 12 rebounds. Umiskor si Grayson Allen ng 17 points, gumawa si Jrue Holiday ng 16, tumipa si Jevon Carter ng 14 at nagposte si George Hill ng 12.
Tumirada si RJ Barrett ng 20 at kumana si Julius Randle ng 14 points at 12 rebounds para sa Knicks, na may pitong players din sa double figures.
TIMBERWOLVES 111, LAKERS 102
Naitala ni Anthony Edwards ang 16 sa kanyang 29 points sa third quarter, nagdagdag si Rudy Gobert ng 22 points at 21 rebounds, at ipinalasap ng Minnesota sa Los Angeles ang ika-5 sunod na talo nito sa pagsisimula ng season.
Naiposte ni Karl-Anthony Towns ang 14 sa kanyang 21 points sa fourth at kumabig si D’Angelo Russell ng 11 points para sa Minnesota, na nanalo ng back-to-back games sa unang pagkakataon ngayong season.
Umiskor si LeBron James ng 28 points para sa Los Angeles, na naglaro na wala si Anthony Davis dahil sa low back tightness.
Nagmula si Russell Westbrook mula sa bench sa unang pagkakataon magmula noong kanyang rookie season at nag-ambag ng 18 points at 8 rebounds.
Sa kanyang ika-8 field goal sa gabi, naitala ni LeBron James ang kanyang ika-1,135 career 20-point game, nalagpasan si Karl Malone para sa pinakamarami sa kasaysayan ng NBA.
CAVALIERS 132, CELTICS 123, OT
Umiskor sina Donovan Mitchell at Caris LeVert ng tig-41 points upang tulungan ang Cleveland na gapiin ang Boston.
Naghabol ang Cavaliers ng hanggang 15 sa first half at nalusutan ang 75-point first half ng Celtics para sa kanilang ika-5 sunod na panalo.
Ito ang pinakamagandang laro ni LeVert magmula nang mapunta sa Cavs sa trade deadline noong nakaraang season.
Ang kanyang naunang high para sa Cleveland ay 32 points noong nakaraang season kontra Dallas.
Nanguna sina Jayson Tatum at Jaylen Brown para sa Boston na may tig- 32 points. Bumuslo ang Celtics ng 51% against laban sa second-rated defense ng NBA, ngunit gumawa rin ng 19 turnovers.
Sa iba pang laro, ginapi ng Spurs ang Bulls, 129-124; dinaig ng Pacers ang Wizards,
127-117; giniba ng 76ers ang Raptors, 112-90; namayani ang Magic sa Hornets, 113-93; dinagit ng Hawke ang Pistons, 136-112;
tinalo ng Nuggets ang Jazz, 117-101; pinabagsak ng Trail Blazers ang Rockets, 125-111; at pinaso ng Suns ang Pelicans, 124-111.