INIHAYAG ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang pangunahin nilang plano sa 2025 ay ang pag-decongest ng mga New Bilibid Prison.
Ayon sa pahayag ni BuCor chief Director General Gregorio Catapang Jr na mayroon ng 350 percent na congested na ang lahat ng mga kulungan sa bansa.
Target nilang mabawasan man lamang ito ng 200 percent sa susunod na taon.
Isa sa mga nakikita nilang solusyon ngayon ay ang pagtatayo ng mga bagong jail facilities.
Ipinagmalaki rin ni Catapang ang bagong penal facility sa Barrio Libertad sa Palawan kung saan ang mga Persons Deprieved of Liberty ay hindi na ilalagay sa mga jail facility.
Nakalagay lamang sila sa mga barracks at habang sila ay bantay sarado.
EVELYN GARCIA