NASA 10 ahensiya ng pamahalaan ang matatapyasan ang budget sa 2020.
Ito ay kahit pa tumaas ng 12% ang P4.1-trillion 2020 national budget kumpara sa P3.66 trillion ngayong 2019.
Ang Department of Budget and Management (DBM) ang may pinakamalaking bawas sa budget sa susunod na taon.
Bumaba sa 35.96% o P2.33 billion ang hinihinging budget ng DBM sa 2020 mula sa inaprubahang pondo sa 2019 na P3.64 billion.
Pumapangalawa ang Office of the Ombudsman na pinaglalaanan lamang ng P3.15 billion o 32.99%, mas mababa kumpara sa budget nito ngayong taon na P4.7 billion.
Kasama rin sa mga natapyasan ng pondo ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Depart-ment of Labor and Employment (DOLE) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Samantala, mahigit doble naman ang itinaas ng inilaang pondo para sa Department of Transportation (DOTr) sa susunod na ta-on.
Mula sa P69.4 billion ngayong 2019, tataas ito ng 111.8% sa P147 billion.
Noong nakaraang taon, nagkaroon na rin ng budget cuts, na ayon sa DBM ay resulta ng pagpapalit ng sistema mula sa obligations-based patungong cash-based budgeting system. CONDE BATAC