BUDGET DEFICIT NG PH LUMIIT (P54.2-B noong Agosto)

BUMABA ang budget deficit ng national government ng 59.24 percent sa P54.2 billion noong Agosto mula P133 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr), ang mas mababang deficit noong nakaraang buwan ay dahil sa 24.40 percent growth sa government revenues kasama ang am0.68 percent contraction sa government expenditures.

Ang pamahalaan ay nagtatamo ng budget deficit kapag mas malaki ang spending sa revenues nito.

Mula January hanggang August ngayong taon, ang budget deficit ay bumaba rin ng 4.86 percent sa P697 billion mula P732.5 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa BTr, ang total revenue collections ay tumaas ng 24.40 percent sa P386.3 billion noong Agosto sa likod ng malakas na non-tax collections.

Year-to-date, ang tax collections ay tumaas din ng 15.91 percent sa P3.0 trillion.

Ang halaga ay bumubuo rin sa 70.10 percent ng P4.3 trillion full-year program para sa 2024.

Sa total revenue collections, ang tax collections ay bumubuo sa 85.47 percent o P2.6 trillion.

Ang halaga ay mas mataas ng 10.83 percent kumpara noong nakaraang taon.

“Meanwhile, the remaining 14.53% or PHP434.9 billion were from non-tax sources, underlying a significant year-on-year growth of 58.66% (PHP160.8 billion),” sabi ng BTr.

Samantala, ang expenditures ng national government ay umabot sa P440.5 billion, bahagyang bumaba ng 0.68 percent mula P443.6 billion noong nakaraang taon.

“This can be partly attributed to the lower total subsidy releases to government corporations, and the sizeable outstanding checks recorded in various departments, such as the Department of Public Works and Highways (DPWH), the Department of Social Welfare and Development (DSWD), and the Department of Health (DOH), during the period,” anang BTr.

Mula January hanggang August ngayong taon, ang expenditures ng national government ay pumalo sa P3.6 trillion, mas mataas ng 11.32 percent kumpara sa P3.3 trillion noong nakaraang taon.