BUDGET DEFICIT NG PH LUMOBO (P213-B noong Nobyembre)

LUMAKI ang budget deficit ng pamahalaan sa P213 billion noong Nobyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, lumitaw na ang budget deficit ay dumoble sa P213 billion noong Nobyembre mula P93.3 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Month-on-month, isa itong reversal ng P6.3-billion surplus noong Oktubre.

Noong nakaraang buwan, ang revenue collections ay bumaba ng 0.61% sa P338.3 billion mula P340.4 billion noong nakaraang taon, dahil sa 70.7% pagbaba sa non-tax revenue collections.

Ang non-tax revenues ay bumagsak sa P15.9 billion noong Nobyembre mula P54.3 billion noong nakaraang taon na kinabilangan ng isang one-off P23.8-billion remittance ng karagdagang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang revenues mula sa Treasury ay bumaba ng 80.86% year-on-year sa P7.9 billion, habang ang mga nagmula sa iba pang tanggapan ay bumagsak ng 37.83% sa P8 billion.

Samantala, ang tax revenues ay tumaas ng 12.7% sa P322.4 billion noong Nobyembre mula P286.1 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay tumaas ng annual 17.77% sa P247.6 billion noong Nobyembre.

“The year-on-year positive growth in the BIR collections for November 2024 can be attributed to the double-digit rise in collections from income taxes, value-added tax (VAT), excise taxes, and documentary stamp tax (DST). The increase in income tax can be attributed to the influx of taxpayers filing for their third Quarterly Income Tax Return on or before Nov. 15 of the current taxable year,” ayon sa BTr.

Bumaba naman ang koleksiyon ng Bureau of Customs (BoC) ng 1.69% year-on-year sa P72.4 billion noong Nobyembre sa likod ng mas mababang year-on-year collections mula sa import duties at excise taxes, subalit na-counterbalance ito ng mas mataas na VAT collections.

Samantala, tumaas ang expenditures ng pamahalaan ng 27.13% sa P551.3 billion noong Nobyembre mula P433.6 billion noong nakaraang taon.

“The notable expansion can be attributed to higher capital expenditures for road and defense infrastructure projects, social protection and education-related programs, as well as personnel services requirements,” paliwanag ng BTr.