BUDGET INAASAHANG AGAD NA MAIPAPASA

ATTY HARRY ROQUE

UMAASA ang Mala­cañang na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang budget bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, umaasa siya na maipapasa na ang panukalang P4.5 trilyong budget bago pa man mag-recess ang Kongresso.

Matatandaang nagpatawag na si Pangulong Duterte ng special session para maipasa sa takdang panahon ang 2021 proposed national budget.

Samantala, sinabi naman ni Albay First District Rep. Edcel Lagman na mas mahabang panahon ang kakailanganin ng Kongreso para sa de-liberasyon ng 2021 proposed national budget.

Ayon kay Lagman, dapat na amyendahan ng Pangulo ang kaniyang direktiba at dagdagan pa ito ng apat na araw.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na nakatakda mula Oktubre 13 hanggang 16 ang isasagawang special session.

Sinabi ni Lagman, bagama’t ikinatutuwa nila ang ipinatawag na apat na araw na special session ng Pangulo ay kailangan pa nila ng mas mahaba pang panahon para mahimay ang proposed national budget. DWIZ882

Comments are closed.