SINIGURO ni Senador Panfilo Lacson na nabantayan niya nang husto ang kaban ng bayan laban sa mga wala sa lugar na paggastos at paghahangad ng mga kasamahan na kumupit sa pondong ito.
Iginiit ni Lacson na naging epektibo ang naumpisahang krusada laban sa pag-abuso ng mga kasamahan sa pambansang gastusin ng pamahalaan dahil sa katakawan sa pork barrel.
Aniya, bilang isang senador kabilang sa kanyang sinumpaang obligasyon sa publiko ay ang mahigpit na bantayan laban sa pang-aabuso ang taunang gastusin ng pamahalaan.
“If by exposing all attempts by some lawmakers to go around the Supreme Court ruling declaring pork as unconstitutional, thus stymieing the selfish interests of those elected to perform their legislative duty, I’ll be able to sleep soundly at night knowing that I’ve done my share in guarding against unnecessary wastage of public funds that has prevented our country from taking off and become competitive,” ani Lacson.
Hindi na rin pinapansin ni Lacson ang mga kasamahang nagmamaliit sa kanyang krusada dahil kabilang sa mga mahahalagang tungkulin niya ay ang pangalagaan ang budget na nagbibigay-buhay sa pamahalaan.
“My critics would claim I am just making a lot of noise but I do not let such negative comments affect, much less stop me. This is my biggest advocacy because the budget is the lifeblood of the nation. If this blood is taken away, the nation may suffer from anemia, or even a stroke,” dagdag pa ni Lacson.
Matatandaang noong 2003 sa unang termino ni Lacson bilang senador ay ang pagbuwag sa pork barrel na ang isinusulong nito na siya umanong pinagmumulan ng kickback, ga-bundok na komisyon at mga ghost employee.
“It’s bad enough that much is lost to corruption. But it’s worse that more is lost to incompetence, where the lack of planning leads to the haphazard – and potentially deadly – implementation of projects,” diin ng senador.
“We pay our taxes and some of us even go hungry because we do not have enough left to buy basic necessities. A recent post about a pupil using an improvised ball pen because he could not afford one went viral. Why do such things happen? Because there are those who steal from the budget,” dagdag pa nito.
Bawa’t taon, nagtitiyaga si Lacson sa linya por linyang pagsusuri sa mga panukalang badyet na nagmumula sa Ehekutibo at Kamara na ipinapasa naman sa Senado, kung saan limpak-limpak na pondo ang nadidiskubreng inilalaan sa hindi klarong pagkakagastusan. VICKY CERVALES
Comments are closed.