BUDGET NG CHR WALANG KUMWESTIYON

ISINUMITE  ng subcommittee ng Senado nitong Martes ang panukalang 2024 budget ng Commission on Human Rights (CHR) at ang kalakip nitong ahensya sa plenaryo.

Sa pagdinig ng Subcommittee on Finance, sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na walang ibang senador na nagpahayag ng interes na kwestyunin ang budget ng CHR at ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission (HRVVMC).

“The deliberation on the proposed budget of the CHR and the HRVVMC is hereby submitted, deemed submitted to the plenary since no other senators are willing to question,” ani Estrada.

Tanging sina Estrada at Senator Raffy Tulfo ang nagtanong sa unang pagdinig sa budget ng CHR noong Setyembre 6.

Sa nakaraang pagdinig ng subcommittee, sinabi ni CHR Executive Director Jacqueline Ann de Guia na binigyan ng Department of Budget and Management (DBM) ang komisyon ng budget na P976.3 milyon para sa 2024, mas mababa sa iminungkahing P1.9 bilyon na badyet nito.
LIZA SORIANO