BINAWASAN ng Senado ang budget ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng 2021 General Appropriations Bill (GAB).
Ayon kay Senadora Grace Poe, nag-sponsor ng budget sa plenary, ito ay dahil karamihan sa proyekto ng ahensiya ay para sa rail at hindi para sa ibang bagay tulad ng pagtungon sa COVID-19 kaya sa tingin nila ay hindi naman mauubos ang budget nito sa susunod na taon .
“The reason is most of those projects that they have lodged in DOTr was for rail, and seeing the phase of what they needed for that and the demand on other things like COVID response, we thought that the DOTr won’t be able to spend it anyway next year,” sinabi pa ng senadora..
Mula sa P145 bilyon na inisyal na inilaan sa DOTr sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) ay ibinaba ito ng Kamara sa P125 bilyon at sa bersiyon naman ng Senado ay ibinaba ito sa P109 bilyon .
Paliwanag pa ni Poe na ang realignment ay ginawa para masiguro na ang budget para sa bakuna sa COVID-19 at healthcare services ay matugunan sa susunod na taon.
Nabatid na ang bicameral deliberation sa budget ay patuloy habang sa pagtaya ng Senate Committee on Finance ay mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P4.5 trillion national budg-et sa Disyembre 16. LIZA SORIANO
Comments are closed.