BINALAAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibilidad na mahirapang mailusot ang kanilang 2019 budget sa Senado nang isnabin ang ipinasang resolusyon kaugnay sa implementasyon ng “high occupancy vehicle (HOV) scheme” sa EDSA.
“Well, if they want to not honor or give weight to the Senate resolution, it’s up to them. But let’s see how their budget passess our committee on finance,” ani Sotto.
Itinuro naman ni MMDA acting general manager Jojo Garcia ang mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) na siyang nagdesisyon sa pagpapatuloy ng implementasyon ng dry run ng HOV lane.
Matatandaan, inilabas ng Senado ang kanilang resolusyon na kumokontra sa programa at hinihiling na itigil ang pagpapatupad.
Kasabay nito, pinayuhan ni Sotto ang MMDA na itutok ang kanilang enerhiya at atensyon sa paglilinis sa mga kalsada ng Metro Manila sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan at mga ilegal na terminal.
“They have barely scratched the surface on that issue. Put all their resources there. Just Zobel Roxas in Manila, hindi nila malinis, iisip pa sila ng ibang problema, ayaw ng taumbayan,” giit ni Sotto.
Gayundin, sinabi ni Senador Win Gatchalian na dapat ipaliwanag ng MMDA sa publiko ang mga benepisyo ng pagpapatupad ng HOV scheme sa pagpapaluwag sa trapiko.
“I am not against the various volume-reduction schemes that MMDA wants to test. But the implementation of this single-passenger scheme is at best, very confusing,” diin ni Gatchalian.
“It seems like MMDA wants to experiment on EDSA at the expense of the riding public, even without conducting preliminary surveys to gauge the outcome,” dagdag pa nito.
Comments are closed.