BUDGET NG OFFICE OF THE PRESIDENT LUSOT NA

2019 BUDGET

NAKALUSOT na ang proposed budget ng Office of the President sa plenaryo sa Senado.

Ito ay matapos na wala ni isang senador na kumuwestiyon sa pondo na nagkakaha­laga ng P8.2 bilyon.

Bagama’t, sinabi ni ­Senate President Vicente ­Sotto III na nais sana magtanong ni Senador Lito Lapid ngunit agad din itong umalis ng session hall.

Tiniyak naman  ni  Senador Bong Go ang ‘checks and balances’ sa pera ng mga taxpayer kung saan hanggang sa huling sentimo ay gagamitin para sa kapakanan ng taumbayan.

Nanindigan si Go na napatunayan na ni Pangulong  Duterte ang inaasam ng mga Filipino na isang honest leader sa pamamagitan ng tatlong main agenda nito na paglaban sa illegal drugs, corruption at kriminalidad. VICKY CERVALES