BUDGET PARA SA NATIONAL ID SYSTEM KUNIN SA PROGRAMA NG DENR

Senador Panfilo Lacson

IMINUNGKAHI ni Senador Panfilo Lacson na ang kakulangan sa budget sa pagpapatupad ng National ID system ay maaaring kunin sa National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Lacson, P2.4 bilyon lang ang nakalaan na pondo para sa pagpapatupad ng National ID na ang dapat na kailangan ay mahigit sa P5-B para makober ang 14 milyong Filipino at resident aliens sa bansa.

Aniya, sa halagang P2.4 bilyon ta­nging makokober lamang dito ay 6.3 mil­yon Filipino.

Paliwanag ni Lacson, nasasayang lang ang pondo kada taon na P5 bilyon para sa national greening program dahil hindi naman ito naipapatupad ng maayos ng DENR.

Ipinunto pa ni Lacson sa nakaraang pagdinig hinanap nito ang mga puno na naitatanim sa naturang proyekto dahil wala naman siyang nakikita sa kapaligiran na patunay na sayang lang ang P5 bilyong  pondo kada taon.

Anang senador, maging si Budget and Management Secretary Wendel Avisado ay naniniwala na sayang lang ang pondo sa National Greening Program

Nakatakda nang simulan sa buwan ng Mayo sa susunod na taon ang implementasyon o ang pagpaparehistro para sa national ID. VICKY CERVALES

Comments are closed.