BUDGET PIPILITING MAIPASA

Sen-Juan-Miguel-Zubiri

PIPILITIN ng Senado na maratipikahan ang 2019 national budget sa susunod na linggo, araw ng ­Miyerkoles.

Ito ang ipinahayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos ang isinagawang all senators caucus.

Ayon kay Zubri, tatapusin nila ang budget interpellation hanggang Miyerkoles at ang amendments nito.

Sa Lunes ng susunod na linggo, tatapusin naman ng Senado sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang national budg-et at sa darating na Martes ay magsasagawa na sila ng bicam para sa Miyerkoles ay maritipikahan na ito ng Kon-greso upang agad na malagdaan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Zubiri na matatapos nila ng hanggang Miyerkoles ang ilang mga ahensiya na naiwan para sa inter-pellation tulad ng DPWH, DOH, DOT, MCIP, Comelec at DOJ. VICKY CERVALES

2 thoughts on “BUDGET PIPILITING MAIPASA”

Comments are closed.