TINIYAK ni Budget Secretary Benjamin Diokno na tuloy ang eleksiyon sa susunod na taon.
Ito ang iginiit ni Diokno kasunod ng naging pagtatanong ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., kaugnay sa no-election sa ilalim ng Federalism.
Binigyang diin ni Diokno na hindi nila pinag-uusapan ang no-election scenario.
Sa katunayan aniya, P7 bilyon ang nakalaan sa ilalim ng 2019 budget para sa pagdaraos ng 2019 midterm elections.
Ngayong 2018, aabot naman sa P11 bilyon ang nakalaan para sa preparasyon sa halalan.
Dahil dito, sinabi ni Andaya na sapat na ito para humupa ang pangamba na hindi matutuloy ang halalan sa 2019. CONDE BATAC
Comments are closed.