BUDGET SA DENGVAXIA VACCINEES, TINALAKAY NA SA KAMARA

DENGVAXIA

PINAG-AARALAN na ng House Committee on Appropriations na gamitin na supplemental budget ang P1.6 bilyon  na isinauli ng Sanofi Pasteur para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

Inilatag sa briefing sa Kamara ng Department of Health sa pangunguna ni Health Sec. Francisco Duque ang mga programa at plano na paggugugu-lan sa pondong ito.

Mahigit sa P1.197 bil­yon ang nakalaan sa programa at plano na kukuhain sa salaping isinauli ng Sanofi.

Kabilang sa popondohan nito ang medical assistance program for Dengvaxia patients – P84 million, outpatient care package -P776.250 million, de-ployment of nurse, health education and promotion officers -P67.807, proposed active case finding o profiling -P300 million at medical kits na may P270 million fund.

Pero, umaalma naman ang samahan ng mga  magulang na may mga anak na naturukan ng Dengvaxia na hindi nila kailangan ng medical kit kundi malinaw na tulong para sa pagpapaospital ng mga anak na nagkakasakit matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Ang laman kasi ng medical kit ay isang bag, thermometer, 1 mosquito repellent, at  2 bote ng multivitamins. CONDE BATAC

Comments are closed.