BUDGET SURPLUS LUMIIT (P2.6-B noong Mayo)

budget surplus

NAITALA ng national government ang ikatlong sunod na budget surplus nito noong Mayo bagama’t mas mababa ito sa naunang buwan.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), nakabawi ang government spending kasunod ng pagpasa sa long-delayed 2019 budget.

Sa datos ng BTr, ang pamahalaan ay nagtala ng budget surplus na P2.6 billion noong nakaraang buwan, kabaligtaran ng P32.9 billion na deficit na naitala sa kaparehong panahon noong 2018 kung saan nahigitan ng collections ang expenditures.

Ang surplus noong Mayo ay naghatid sa year-to-date budget deficit sa P809 million, malayo sa P138.7-billion gap na naitala noong nakaraang taon.

Ang P2.6-billion surplus noong nakalipas na buwan ay mas mababa rin sa P86.9-billion surplus na naitala noong Abril.

“The national government spent P314.7 billion last month, recovering from the contraction recorded in the first four months of the year due to delayed passage of the 2019 budget,” sabi ng ahensiya.

Ayon pa sa datos ng BTr, ang government expenditure ay tumaas ng 7.8 percent o P22.8 billion mula sa P291.9 billion year-on-year.

“Expansion for the period was attributed to the implementation of the last tranche of salary increase of government personnel, release of mid-year bonus, and the execution of new programs in line with the approval of the 2019 GAA in mid-April,” paliwanag ng BTr.

Ang total spending sa January- May period ay umabot sa P1.314 trillion, mas mababa ng 0.8% year-on-year sa gitna ng pagkakasalungatan sa expenditure sa unang apat na buwan ng  2019.

Ang interest payments ay nasa P19.7 billion, mas mababa ng 6.8 percent o P1.4 billion kumpara noong nakaraang taon sa likod ng matured treasury bonds at settlement premium sa reissued bonds.

“Year-to-date, interest payments grew by 6.7% to P151 billion, reflecting interest on new debt incurred to finance last year’s deficit, according to the Treasury.”

Samantala, naitala ang revenue collections ng pamahalaan noong Mayo sa P317.2 billion, mas mataas ng 22.5% mula sa  P259 billion year-on-year.

Ang koleksiyon sa unang limang buwan ng taon ay umabot sa P1.313 trillion, mas mataas ng 10.7 percent mula sa P1.186 trillion sa kaha­lintulad na panahon noong 2018.

Nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P204.8 billion noong Mayo. Year-to-date, ang  BIR ay may koleksiyon na P908.5 billion, mas mataas ng  9.8 percent o P80.8 billion kumpara noong nakaraang taon.

Samantala, tumaas din ang koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang buwan ng 10.3 percent sa P58.2 billion mula sa P52.7 billion  noong 2018. Ang  year-to-date revenue growth ng Customs ay nasa 9.8 percent sa  P251.7 billion.

Comments are closed.