BUDJIT AGUILAR IPAGPAPATULOY ANG LEGASIYANG INIWAN NG AMA

KAMAKAILAN lang ay nag-solo champion sa 12-stag “Matira Matibay” ng World Pitmasters Cup ang “Papa Striker” entry ng anak na babae ni late Mayor Nene Aguilar na si Budjit Aguilar.

Ayon kay Budjit, mga Allen Roundhead na crossed sa Kelso karamihan ang ginamit nila for stag season ngayong taon.

“Ang mga ginamit po namin na mga bloodlines diyan is continuous lang sa mga ginamit ni papa, which is heavy on Allen Roundhead pero meron na ‘yan mga infusion ng Kelso,” sabi ni Budjit sa naging interview sa kanya ni Ka Rex Cayanong sa programang “Sabong On Air” sa DZME 1530 khz.

Sinabi ni Budjit na pinakalo-look forward ng kanyang ama na si Mayor Nene ang stag derby na ito dahil ito umano ang pinakapaboritong breeding season ng nasirang alkalde at isa sa mga tinitingalang gamefowl breeder sa bansa.

“So, meron din siyang infusion ng Sweater Roundhead, pero heavy siya on Allen Roundhead pa rin, which is his signature line talaga,” sabi pa niya.

Ayon pa kay Budjit, mas hands on na siya ngayon sa breeding at pagma-manage ng kanilang farm na dati umanong ginagawa ni Mayor Nene nung nabubuhay pa.

“More on preparations po ako, then nagkakaroon din tayo ng peptalk with them [farm hands], a lot of constant communication and nag-a-update sa isa’t isa all throughout the 3-day event po,” ani Budjit.

Sa tanong na kung siya na ba talaga ang nagmana sa kanilang gamefarm, “parang ganon na rin po kasi ako lang ‘yung sa apat na babae ang nahilig sa sabong pero I could not naman definitely say na inangkin ko ‘yung farm. When papa was here he’s the one directly handling the farm. So, I was just supporting lang him po, minsan ako po nagdadala ng entries niya sa events and i-update ko siya kung ano ang nangyayari pero sa breeding I believe 100 percent hands on po si papa during his days bago po siya nawala.”

Isa sa mga hindi niya umano makakalimutan na mga naituro sa kanya ng kanyang ama ay ‘yung “natural foresight” ng nasirang alkalde dahil alam nito kung ano ‘yung manok na pang-broodcock o fighting cock.

“So ‘yung pagbi-breed niya is ‘yung biggest talent na meron siya na talagang mahirap mapantayan. He always knows, marunong siyang mag-project sa mga palabas niya sa darating na taon especially stags which is his forte. ‘Yan talaga favorite niya. He focuses a lot on stags rather than cocks,” ani Budjit.

Bukas umano ang kanilang farm sa mga gustong mag-avail ng mga breeding material.

“Open po ‘yung farm for buyers kasi ‘yan naman po naging mantra ni papa nung nabubuhay pa siya. He wanted to provide affordable breeding materials for the OFWs, sa mga gustong magsimula na mga backyard breeders. ‘Yun po talaga ang market niya at a very low cost gusto po niya na magkaroon kayo ng quality materials na magiging maganda rin ang production nila kasi gusto niya po mai-share kung ano man meron siya sa farm,” aniya.

Nagpasalamat din si Budjit sa bayang sabungero na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga manok.

“Sa mga tagahanga ng Nene Aguilar Breeding Farm at sa ‘Papa Striker’ maraming salamat sa patuloy na pagsuporta ninyo sa amin. Nakakataba po ng puso na kahit wala na si papa na-extend ninyo  ‘yung pagmamahal at suporta sa akin. It really keeps me going and encourages me to continue the great legacy of my dad,” dagdag pa niya.

Payo niya sa mga gustong mag-backyard breeder na magsimula muna sa kaunti, ‘yung kaya lang ng bulsa.

“I suggest to start small. Kuha lang po kayo ng a few pullets then a few broodstags or broodcocks, tapos i-try n’yo lang po. Wag po kayo ma-discourage kasi out there very competitive na, napakahirap po ng competition, marami na po talagang magagaling na manok pero kung  I think if you put hardwork tapos foresight projection tapos meron ka rig  inate passion lahat po ‘yun makakatulong para one day maging successful breeder din po kayo,” pagtatapos niya.