BUDOL-BUDOL GANG TIKLO SA PEKENG DOLYAR

budol

BULACAN- NADISKARIL ang pambubudol ng apat katao at nasukol ang mga ito ng pulisya habang lulan ng kotse na may plakang WEB-741sa Brgy., Tibagan, Bustos.

Sa report ni PCpt. Rolando Guzman kay PNP Regional Director, PBGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang mga nadakip na sina Albert Mendoza, 61, sales agent ng Brgy. Pinagsamahan,Taguig City;  Rommel Mata Llarena, 53-anyos, driver; Roberto  Gallardo, 61, sales agent at Milagros Zapra, 52-anyos ng Brgy. Green Valley, Parañaque City

Bumili ang mga suspek ng 14 kilos ng dressed chicken kay Donna Joy Santos gamit ang dalawang $100 bill na peke.

Agad pumayag si Santos dahil umano sa hypnotism.

Makalipas ang ilang minuto  nadiskubre ng biktima na fake ang ibinayad na dolyar kaya humingi ng tulong sa mga barangay tanod at pulis na nagresulta sa pagkadakip sa apat. THONY ARCENAL

Comments are closed.