BUENA MANO! (Dyip pinisak ang Aces)

Dyip vs Aces

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs NLEX
6:45 p.m. – Meralco vs Magnolia
NAKAUNA agad ang Columbian makaraang gibain ang Alaska, 117-110, sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Dinomina ng Dyip ang laro maliban sa second quarter kung saan nagtabla ang iskor sa 56-all. Naitarak ng Car Makers ang 93-81 kalamangan sa third quarter at hindi na binitawan ang trangko tungo sa pagposte ng impresibong panalo sa tuwa ni coach Johnedel Cardel.
“Good start. We have to play smart and play as a team. Sana masundan pa ito ng maraming panalo,” sabi ni Cardel.
Maganda ang nilaro ng Columbian na tinalo ang Alaska sa halos lahat ng departamento, kabilang ang rebound sa pagkalawit ng kabuuang 65.
Humataw si Khafri Alston ng team-high 38 points, 22 rebounds at 4 assists sa una niyang laro para sa Dyip.
Nag-ambag sina CJ Perez ng 28 points, Glenn Khobuntin ng 16, at Juan Miguel Tiongson at Filipino-Americn Rashawn McCarthy ng tig-11 points.
Nagbuhos si Justin Watts ng game-high 40 points subalit hindi ito sapat para maiangat ang Aces. CLYDE MARIANO
Iskor:
Columbian (117) – Alston 38, Perez 28, Khobuntin 16, McCarthy 11, Tiongson 11, Camson 5, Flores 4, Calvo 4, Reyes 0, Celda 0, Gabayni 0, Cahilig 0.
Alaska (110) – Watts 40, Tratter 14, Manuel 14, Enciso 11, Ayaay 9, Thoss 6, Galliguez 6, Casio 4, Banchero 3, Baclao 2, Pascual 0.
QS: 28-22, 56-56, 93-81, 117-110

Comments are closed.