BUENA MANO SA BASILAN STEEL

on the spot- pilipino mirror

CONGRATULATIONS sa Basilan Steel na nagpakita agad ng gilas sa opening day ng 3rd season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Tinalo ng kampo ni coach Jerson Allen C. Cabiltes ang tropa ng Bicol Volcanoes, 94 – 83.  Nagsanib-puwersa sina Jay Collado, Hesed Gabo, Gabriel Daga­ngon at Cris Dumapig upang maiuwi ang buena manong panalo sa MPBL. Saludo rin kami sa Volca-noes ni coach Monel Kallos na hindi bumitaw hanggang sa huling sandali. Bagama’t baguhan ay palaban din. Ipinakita nila sa kanilang governor na kahit baguhan ay lalaban at lalaban.

Para namang Batman at Robin sina Gabo at Collado. Hindi ba halata na sabay nilang iniwan ang dating team na Quezon Capital at sa iisang team pa sila lumipat? Anyway, kung hindi magbabago ang pulso ng tropa ni coach Cabiltes ay magiging maganda ang kalalagyan nila sa liga. Siyempre sa pagkapanalo ng Basilan ay tuwang-tuwa si Councilor Hegem Furigay, gayundin ang coaching staff ng team na sina Gonzalo Catalan, Arnold Oliveros, Jiniño Yumang Ma­nansala at Joseph Guion.



Hindi pa man naglalaro ang Imus Bandera ay pinagkaguluhan na si Jayjay Helterbrand ng mga manonood. Sabik ang fans ng Ginebra na mapanood ulit ang player na naglalaro sa hardcourt. Hindi lamang ang  fans ang excited na mapanood si Helterbrand, kundi maging ang mga kasamahan nito. Sabik na rin silang mapanood ang paglalaro ng aktor na si Gerlad Anderson.

Sa totoo lang, ‘yung dalawang games sa opening – Basilan Steel vs Bikol Valcanoes at Zambaonga Fa­mily’s Brand Sardines vs Davao Occidental ay napakagandang panoorin. Exciting at ‘di ka makaalis sa kinauupuan mo kasi any moment ay may mami-miss ka sa mga laro. Walang bumibitaw hanggang sa huling buzzer ng laro.  Congrats sa mga na­nalo sa opening day ng MPBL.



Nagbigay naman ng warning si MPBL founder Senator Manny Pacquiao sa mga player na nais niyang maging malinis ang kanilang paglaro sa liga. Ayaw umano ni Sen. Pacquiao na mahaluan ng bentang laro ang kanyang liga. “Gusto ko malinis, ‘di mawa-wala ang tiwala ng tao sa amin. Gusto ko tapat, kasi kaya naging successful ang MPBL ay dahil malinis ang liga,” aniya.

Mula sa 26 teams ay lumobo ito sa 31 teams. Simula sa June 17 ay magiging 3 games na ang lalaruin, kung saan magsisimula ito sa alas-4 ng hapon.

Tulad ni Pacquiao, maligaya rin si Kenneth Duremdes na tumatayong commissioner ng liga sa tagumpay na tinatamasa nito. Kaya inaanyayahan niya ang followers ng MPBL na patuloy na suportahan ang liga.

Comments are closed.