BUENA MANO SA E-PAINTERS

PBA Philippine Cup

Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3:00 p.m. – Terrafirma vs NLEX
6:00 p.m. – Phoenix vs San Miguel

ISINALPAK ni Beau Belga ang game-winning three nang biguin ng Rain or Shine ang Converge sa debut game nito, 79-77, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Kumana si Belga ng tres laban kay rookie Jeo Ambohot upang bigyan ang Elasto Painters ng 78-77 kalamangan, may 13.4 segundo ang nalalabi, at inagaw ang panalo sa FiberXers side na matikas na nakihamok sa kanilang pro league debut.

Nanguna si Santi Santillan para sa Rain or Shine na may team-high 18 points. Nanalo ang Elasto Painters na wala si Javee Mocon, na hindi pa nakapagre-renew ng kontrata sa koponan.

Nagdagdag si Belga ng17 points, at ang kanyang three-pointer ang sagot sa an left-handed lay-up ni Jerone Teng na nagbigay ng bentahe sa Converge, 77-75.

“The way we ended last conference, not even making the playoffs, it was extremely important for us to come out and able to seal a tough, gritty win against coach Jeff and the Converge team,” sabi ni Rain or Shine coach Chris Gavina.

“I give a lot of credit to my guys… really having that man-up mentality and living up to the responsibility, for coming up with a big first win for us,” dagdag ni Gavina.

Nagbuhos si Teng ng game-high 23 points at 13 rebounds sa unang laro ng Converge magmula nang bilihin ang prangkisa ng Alaska sa offseason.

Nagtala si Alec Stockton ng career-high 13 points, habang nag-ambag si RK Ilagan ng 10 para sa Converge. CLYDE MARIANO

Iskor:

Rain or Shine (79) – Santillan 18, Belga 17, Caracut 10, Torres 10, Nieto 8, Nambatac 8, Asistio 5, Norwood 3, Mamuyac 0, Ildefonso 0, Tolentino 0, Ponferada 0, Borboran 0.

Converge 77 – Teng 23, Stockton 13, Ilagan 10, Ambohot 7, Arana 6, Hill 5, Adamos 5, DiGregorio 4, Bulanadi 2, Lojera 2, Tolomia 0, Racal 0.

QS: 16-19; 31-38; 57-55; 79-77.