BUENA MANO SA LIONS

RED LIONS

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Arena, San Juan)

2 pm- San Beda vs

Perpetual Help (jrs)

4 pm – LPU vs San Sebastian (jrs)

NANATILING matatag ang San Beda sa fourth quarter upang maungusan ang Perpetual Help, 67-65, at mainit na simulan ang kanilang kampanya para sa 3-peat  sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nanguna si Robert Bolick para sa Red Lions sa kinamadang 15 points, kabilang ang 8-of-8 mula sa foul line, at nakagawa ng krusyal na steal sa hu­ling bahagi ng laro, habang nag­dagdag sina Jayvee Mocon at last year’s Finals MVP Donald Tankoua ng 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

“The first game is always the toughest because of the euphoria and the jitters,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Sa larong inaasahang madodomina ng San Beda, nagkumahog ang Lions kung saan nagmintis sila ng 37 sa 58 shots mula sa field at 10 sa 32 free throws.

Si Bolick ang higit na nangapa kung saan sumablay siya sa 11 sa 14 tira.

Sa kabutihang palad, naipasok ni Bolick ang lahat ng kanyang walong free throws at naagaw ang pasa ni Edgar Charcos kay Nigerian Prince Eze sa final play upang selyuhan ang panalo.

“I need more practice,” wika ni Bolick,  na naglalaro sa kanyang final season bago sumalang sa PBA draft ngayong taon.

Pinangunahan ni NCAA president Anthony Tamayo ng host Perpetual Help ang opening rites ng torneo na tinampukan ng makulay na production number.

Iskor:

San Beda (67) – Bolick 15, Mocon 14, Tankoua 12, Eugene 8, Soberano 6, Abuda 3, Kwekuteye 3, Presbitero 2, Doliguez 2, Cabanag 2, Oftana 0, Tongco 0, Nelle 0, Carino 0, Cuntapay 0

Perpetual Help (65) – Charcos 14, Eze 13, Coronel 13, Razon 10, Aurin 8, Peralta 7, Mangalino 0, Cuevas 0, Tamayo 0, Pasia 0

QS: 13-10, 23-23, 44-40, 67-65

 

Comments are closed.