BUENA MANO SA MAROONS, TIGERS

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
8 a.m. – NU vs UE (Women)
10 a.m. – FEU vs Ateneo (Women)
2 p.m. – NU vs UE (Men)
4 p.m. – FEU vs Ateneo (Men)

SINIMULAN ng University of the Philippines ang kanilang title-retention bid sa makapigil-hiningang 72-69 panalo kontra La Salle sa Final Four rematch sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Isang fastbreak layup ni James Spencer, may 16 segundo ang nalalabi, ang nagbigay sa Fighting Maroons ng 70-64 kalamangan nang sumagot ang Green Archers sa putback ni Mike Phillips mula kay Schonny Winston at isang triple ni Evan Nelle upang tapyasin ang deficit sa isa.

Makaraang ipasok ni Carl Tamayo ang dalawang charities mula sa foul ni Phillips sa huling apat na segundo, tinangka ng La Salle na ihatid ang laro sa overtime sumablay si Nelle fumbled sa huling play.

“It shows sa game na marami pa kaming kailangang ma-improve,” wika ni Tamayo, na tumapos na may double-double outing na 18 points at 19 rebounds.

Nagbuhos si Terrence Fortea, humalili kay injured JD Cagulangan, ng 15 points at 9 assists para sa UP.

Sa unang laro, nagpasabog si Nic Cabañero ng career-high 33 points nang sorpresahin ng University of Santo Tomas ang preseason favorite, Adamson, 69-60, at ibigay kay school legend Bal David ang kanyang unang collegiate coaching win.

Sa women’s division, umiskor si Tacky Tacatac ng 21 points nang gapiin ng UST ang Adamson, 106-70.

Kumana si Cameroon’s Fina Tchuido ng 16 points at 12 rebounds nang maitala ng La Salle ang 73-51 win kontra UP.

Isang jumper ni Cabañero sa huling 31.5 segundo ang nagbigay sa Growling Tigers ng 65-60 kalamangan.

Ang unang UST player na sumampa sa 30-point mark magmula nang umiskor si Marvin Lee ng 30 sa 79-68 panalo ng UST kontra University of the East noonh Oct. 28, 2018, ang 33-point outburst ni Cabañero ang pinakamalaki ng sinumang Growling Tiger magmula nang kumamada si Ed Daquioag ng 34 sa 83-76 panalo ng Red Warriors noong October 7, 2015.

Ang main man ngayon ng UST makaraang ideklara sina Sherwin Concepcion at Bryan Santos na ineligible bago ang simula ng season dahil sa edad at lumipat si Kean Baclaan sa National University noong nakaraang August, si Cabañero ay tumanggap ng advance birthday gift nang pangunahan ang kanyang eskuwelahan sa panalo.

“Sobrang overwhelmed and blessed kasi pinagdadasal ko kasi I’m turning 19 kasi this Monday. Lagi kong ipinagdadasal na ibigay sa amin itong first win, hindi lang first pati yung upcoming games,” sabi ni Cabañero.

“Ito kasi ‘yung magbibitbit sa amin in the future, dito namin makukuha ‘yung kumpiyansa namin,” dagdag pa niya.

Iskor:
Unang laro:
UST (69) — Cabañero 33, Manayta 7, Faye 6, Pangilinan 6, Mantes 5, Mantua 4, Calimag 3, Duremdes 2, Herrera 2, Manalang 1, Lazarte 0, Magdangal 0, Laure 0.
AdU (60) — Douanga 13, Yerro 13, Lastimosa 10, Hanapi 10, Sabandal 9, V. Magbuhos 3, Barcelona 2, Colonia 0, Manzano 0, Flowers 0, Barasi 0, Torres 0, Manlapaz 0, Jaymalin 0.
QS: 23-18, 42-38, 48-42, 69-60
Ikalawang laro:
UP (72) — Tamayo 18, Fortea 15, Diouf 9, Spencer 8, Lucero 7, Gonzales 7, Alarcon 5, Ramos 3, Torculas 0, Lina 0, Eusebio 0, Lina 0, Calimag 0.
DLSU (69) — Winston 27, Nelle 9, M. Phillips 8, Nonoy 8, Quiambao 5, Austria 4, Manuel 4, Nwankwo 2, Macalalag 2, B. Phillips 0.
QS: 16-17, 34-42, 50-54, 72-69.