BUENA MANO SA MERALCO

meralco bolts

Mga laro bukas:

(Ynares Center-

Antipolo)

4:30 p.m. – Global Port vs NLEX

6:45 p.m. – TNT vs Meralco

NALUSUTAN ng Meralco ang matikas na pakikihamok ng Columbian Dyip upang maitakas ang 109-106 panalo sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo.

Bagama’t binura ang 14-point deficit sa first half, kinailangan pa rin ng  Bolts na kumayod nang husto sa mga huling minuto ng laro.

Sa kabutihang palad ay naisalpak ni Baser Amer ang isang layup para sa panalo ng Meralco.

Tumapos si Amer at ang nagbabalik na si reinforcement Allen Durham na may tig-26 points.

Naging mainit ang simula ng Columbian kung saan humataw ito sa 3-point line upang kunin ang 53-43 bentahe sa first half.

Subalit gumawa ang Meralco ng crucial adjustments sa third quarter, kung saan kinontrol nito ang offensive boards upang kunin ang 85-76 bentahe.

Iskor:

Meralco (109) – Durham 26, Amer 23, Tolomia 14, Hodge 11, Caram 10, De Ocampo 10, Canaleta 9, Salva 4, Newsome 2, Lanete 0, Bono 0, Hugnatan 0.

Columbian (106) – Wright 30, King 24, Khobuntin 10, Corpuz 10, Camson 8, Escoto 8, McCarthy 5, Celda 5, Tubid 2, Cabrera 2, Cahilig 2, Lastimosa 0.

QS: 26-25, 43-53, 85-76, 109-106.

Comments are closed.