BUENA MANO SA NETS, CLIPPERS

CLIPPERS

NAITALA ni Paul George ang 26 sa kanyang 33 points sa second half upang tulungan ang Los Angeles Clippers na igupo ang host Los Angeles Lakers, 116-109, kahapon sa season opener.

Bago ang laro ay ipinagkaloob sa Lakers ang rings para sa kanilang 2019-20 NBA championship.

Naipasok ni George ang 13 sa kanyang 18 shots mula sa floor, kabilang ang 5 of 8 mula sa 3-point range.

Umiskor si Kawhi Leonard ng 26 points, nagdagdag si Serge Ibaka ng 15, gumawa sina Ivica Zubac at Lou Williams ng tig-11 at nag-ambag si Patrick Beverley ng 10.

Tumipa si LeBron James ng  22 points, nagbigay ng 5 assists at kumalawit ng 5 rebounds habang nagdagdag si Anthony Davis ng 18 points at 7 rebounds para sa Lakers. Nagtala si dating  Clipper Montrezl Harrell ng 17 points ay 10 rebounds at tumirada si Kyle Kuzma ng 15 points.

Nakalikom si Dennis Schroder ng 14 points, game-high 12 rebounds at 8 assists.

Hindi nakatikim ng kalamangan ang Lakers sa laro. Dalawang free throws ni Markieff Morris sa unang tatlong minuto ng fourth quarter ang nagdikit sa kanila sa 96-90, subalit sumagot ang  Clippers ng 13-4 run para sa 15-point lead matapos ang bucket ni Leonard, may  4:51 ang nalalabi.

Matapos nito ay hindi na nakalapit ang Lakers.

Makaraang umiskor si  Schroder sa isang layup upang itabla ang iskor sa 75, may 5:04 ang nalalabi sa third quarter, sinindihan ni George ang 14-3 surge sa pagkamada ng  10 sunod na puntos para sa Clippers para sa  89-78 lead papasok sa  fourth.

Ang 15 points ni George sa  third ay nakatulong para ma-outscore ng Clippers ang Lakers 33-24, sa period.

NETS 125,

WARRIORS 99

Hindi nabigo si Kevin Durant sa matagal na niyang hinihintay na debut sa Brooklyn Nets kung saan nakipagtambalan ang two-time NBA Finals MVP kay Kyrie Irving sa 125-99 opening day blowout kontra Golden State Warriors.

Ngayon lang naglaro si Durant makaraang magtamo ng torn Achilles tendon noong naglalaro pa siya para sa Warriors laban sa Toronto sa Game 5 ng championship series noong June 10, 2019.

Nagpapagaling pa siya sa surgery nang lumipat siya sa Nets bilang free agent at hindi naglaro sa buong pandemic-disrupted 2019-20 campaign.

Kumana si Irving ng 26 points, 4  rebounds at 4 assists. Nagdagdag si Durant ng 22 points, 5  rebounds at 3 three assists para sa Nets.

“It felt good,” sabi ni Durant. “I didn’t approach it any different. The pre-season games I kind of felt the same energy, but it’s good to get a win.”

Ang tagumpay ay nagbigay rin kay two-time NBA MVP Steve Nash ng panalo sa kanyang unang laro bilang isang head coach.

Si Canada ay hindi inaasahang napili bilang head coack  ng  Nets matapos ang limang taon bilang  player development coordinator para sa Warriors.

Gumawa si Stephen Curry, naglaro lamang ng limang games noong nakaraang season bago nabalian ng kamay, ng 20 points sa seven of 27 shooting.

Comments are closed.