BUHAY ABROAD, OKAY BA?

US

AYON sa Mig­ration Policy Institute (MPI), abot sa 3.8 million ang mga Filipino na nakatira sa United States ayon sa 2018 statistics. Filipino ang 3rd largest mig­rant group sa US, kung saan nangunguna ang mga Indians at Chinese. Sa panahong ito, posible raw na mahigit nang 4 million – at kasama na ang pamilya ko dito dahil nag-migrate kami noong 2019, bago nagkaroon ng pandemya.

Mula pa noong 1899, napakarami nang Filipino ang nag-migrate sa America para mag-aral o magtrabaho, na kadalasan ay sa California at Hawaii. Dahil kinukunsidera silang U.S. nationals, hindi sila masyadong subjected sa mga restrictions sa iba pang non-European groups.

Ang migration ng mga Pinoy sa US ay nagsimula noon pang 19th century na nasusugan ng matagal nang political, military, at educational ties sa pagitan ng dalawang bansa, kasama na ang mahabang  dekada ng pananakop ng kolonisasyon ng America. Napakaraming panahon ng immigration, pero mas dumami pa ito noong 20th century. Itinalaga ang Kalayaan ng Pilipinas sab isa ng 1934 Tydings-McDuffie Act, na nakamit matapos ang walong taon, ngunit nag-impose naman sila ng batas na 50 Filipino na lamang ang pwedeng mag-migrate sa US taon-taon. Ang bagong batas na ito, kasabay ng Great Depression sa America, ang dahilan kaya bumaba ang bilang ng Filipino migrants sa ibang bansa. Gayunman, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaya muling nagbukas ang pintuan sa mga pamilyang gustong magtrabahjo dito.

Una, umuwi ang mga sundalong Amerikano kasama ang kanilang asawa matapos ang giyera. Ikalawa, maraming Pinoy ang nag-migrate para pumasok na sundalo. Yung iba naman, nag-migrate para mag-aral o kumuha ng professional experience sa larangan ng medisina. Hindi na sila umuwi sa Pilipinas matapos ang kanilang training.

Sa kasalukuyan, maraming Pinoy na ang nakakuha ng citizenship. Ang iba naman ay ay nakakuha ng lawful permanent residence (LPR status) o green card.  Sa kaso ng aming pamilya, ako at ang dalawa kong anak, nakakuha kami ng green card dahil dinala kami dito ng asawa kong American na nakilala ko sa pamamagitan ng internet. Yung iba namang kakilala namin, nakuha nila ito sa pamamagitan ng trabaho, na karamihan ay nurse.

Samantala, mas welcome ang mga Pinoy na maging immigrant sa US dahil mahusay tayong mag-English at may mataas tayong college education rates kumpara sa ibang  foreign- at U.S.-born population. Mas madali rin tayong maging naturalized U.S. citizens, may mas mataas na sweldo, at naka-insure din. Hindi ko masasabing napakaganda ng buhay dito, ngunit masasabi kong mas malaki ang kinikita sa US kumpara sa Pilipinas, bukod pa sa nakasisiguro dito ng magandang edukasyon para sa mga anak ko.

Sa dami ng mga migrante dito sa US, marami na ring Pinoy ang niyakap na ang kanilang kultura. Ang iba nga ay halos hindi na maramdamang Pinoy pa sila. Mayroon ding mga pumasok sa entertainment industry at sumikat ng husto. Heto ang mga pinakasikat. KAYE NEBRE MARTIN

 

6 thoughts on “BUHAY ABROAD, OKAY BA?”

  1. 462294 163131fantastic work Superb weblog here! Also your internet website a good deal up rapidly! What internet host are you the usage of? Can I get your associate link on your host? I want my site loaded up as rapidly as yours lol 979149

  2. 607671 426629Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the very good information you might have correct here on this post. I can be coming once more to your blog for far more soon. 988483

Comments are closed.