BUHAY ANG MAS MAHALAGA

Sa pananalanta ng bagyong Kristine (International name: Trami) sa Bicol Region, Eastern Samar, at iba pang mga probinsya, hiniling ng Greenpeace Philippines na agarang maibigay ng gobyerno ang mga kinakailangang suporta.

Sa tindi ng buhos ng ulan na parang gustong ilagay lahat ng tubig ng West Philippine Sea sa mga nasabing lugar, at sa matinding haplit ng habagat kahit hindi pa nagla-landfall ang bagyo, asahan na ang matinding pagkawasak ng mga bahay at mga pananim. Ngunit isa itong kalamidad na lampas sa kakayahan ng tao upang mapigilan. Nananawagan ang Greenpeace para raw sa urgency in climate action, pero paano? Ano ba ang solusyon? Madali kasing manawagan, pero paano nga?

Sabi ni Greenpeace Philippines campaigner Khevin Yu, “Tropical storm Kristine is yet another reason to turn words into action on climate justice. This is the third highly devastating weather event to batter the country this year. Filipinos need action.

“The Philippines, annually among the top countries most at risk from climate impacts, and now the host of the UN Loss and Damage Fund Board, should lead the global call for securing the trillions of dollars needed to address loss and damage.”

Dapat raw pagbayarin ang mga climate polluters. Tama naman. Pero paano ipi-pin point ang mga iyan? At kung ma-pin point man, natural, tatanggi sila at ipagtatanggol ang sarili.

In fairness, kumikilos ang gobyerno para mabawasan ang paggamit ng plastic sa bansa. Dapat nating lawakan ang ating pang-unawa na ang problemang ito ay hindi materesolba sa magdamag lamang, dahil napakaraming dapat isaalang-alang. Madaling mag-suggest, mahirap magpa-implement, lalo pa kung ang apekrado ay mga karaniwang manggagawang mawawalan ng trabaho.

It’s a “damn if you do, damn if you don’t ” thing. Pag umaksyon, may mayayapakan, pag hindi umaksyon, may mahihirapan. Kailangang balansehin ang lahat. Alamin kung alin ang dapat unahin.

Sa ngayon, tulong sa mga nasalanta ang mahalagang unahin. Laging mas mahalaga ang buhay. Sabi nga nila, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

RLVN