BUHAY, KABUHAYAN SA TINAPAY

HEART BELLS

SARI-SARI ang naiisip ng Pinoy nang sumiklab ang pandemya na tumama hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na  nagpabagsak sa mga negosyo.

Malalaki man o mali­liit na negosyo ay lubos na naapektuhan at nagsara.

Ang pagkalugmok sa negosyo ay naging sanhi ng pagsasara nito ngunit, sa ibang tao naman ay nagbukas ng pintuan o daan upang magpursige at harapin ang bagong yugto sa linya ng pagnenegosyo.

Naging inspirayon ang COVID-19 upang gawing positibo ang pananaw sa buhay at ipagpatuloy ang laban sa buhay upang buhayin ang pamilya.

Sa pagiging malikhain ng madiskarteng Pinoy ang naging sandigan ay ang nausong “online selling”.

tinapay1Dito naisip ni Corazon Pabaya na magbenta ng sariling gawang tinapay na pinapa-order sa online o gamit ang social media.

Nag-umpisa siya sa hala­gang P1,000 na puhunan na pagluluto ng cupcakes at cakes na dinadala niya sa kanyang pagpasok sa trabaho sa isang supermarket bilang cashier.

Kumikita siya ng P200 kada araw sa 50 pirasong banana cake na pinapa-order niya sa kanyang mga katrabaho.

Bini-bake niya ito sa gabi at kinabukasan ay dadalhin niya ito sa kanyang mga parokyanong katrabaho.

Hanggang sa tagal na pagtitiyaga niya sa araw-araw na pagbebenta ng cupcakes nakaipon siya ng pandagdag sa kanyang puhunan.

Mula sa katas ng cupcakes ay nakaipon siya ng P5,000 na siyang naging dagdag puhu­nan upang ma­dagdagan din ang kanyang paninda.

Sumubok siyang magbake ng ibang tinapay na pang masa at patok sa panlasa ng Pinoy na kinala­kihan ng bilhin sa mga pana­derya.

At dahil sa mayroon siyang background sa kanyang kinuhang kursong Hotel and Restaurant Management, naisipan nitong mag=resign o huminto na sa kanyang trabaho.

tinapay10Ang kanyang nakuhang P100,000 mula sa trabaho ay ginamit niyang puhunan upang magtayo ng sari­ling panaderya o bakery na kung saan ay abot kaya ang halaga ng mga masasarap na tinapay.

Ang “Heart Bells Bakeshop” ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na labanan ang pandemya sa pamamagitan ng pagbebenta ng simpleng tinapay ay nabigyan pa niya ng trabaho sa iba para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Nakakapagbigay rin ng munting kasiyahan sa iba dahil sa murang halaga ay lutas na ang gutom at maaa­ring makatawid ng isang mag­hapon para sa mga hikahos sa buhay ngayong krisis.

Pagdating sa tinapay walang mayaman o mahirap at lahat ay pantay-pantay dahil sa pare-parehong kumain ng tinapay kapag kumakalam ang sikmura.

Walang pinipiling edad, lugar at oras basta mayroong tinapay sa ating hapag o lansa­ngan ay mabubuhay tayong lahat. CYRILL QUILO