BUHAY MO, PAGHANDAAN MO

BUHAY

(CYRILL QUILO)

TAON-TAON ay ipinagdiriwang natin ang Undas o Araw ng mga Patay. Ginugunita natin ang ating mga mahal sa buhay na namayapa. Nakagawian na ng mga Pinoy ang pumunta sa puntod ng mga kamag-anak na pumanaw. Sadyang mahirap tanggapin ang katotohanan na lahat tayo ay lilisan. Papanaw sa mundong ito. Nagmula sa alabok at babalik din sa alabok.

Kaya naman dapat nating paghandaan at huwag katakutan ang kamatayan. Lahat tayo ay pupunta roon. Wala nga lang nakaaalam kung kailan.

Ang paghahanda sa kamatayan ay masasabi natin isang oportunidad. Na habang tayo ay nabubuhay maaari nating gawin ang nararapat para sa ating mga sarili. Huwag na nating iaasa pa ang problema sa ating mga maiiwang kaanak. Kung saan tayo ibuburol at saan tayo ililibing. Dapat maging handa na tayo.

‘Ika nga sa isang bible verse MAGANGARAL 7:4, “Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasiyahan lamang, ngunit matalino ang isang taong naghahanda sa kanyang kamatayan”.

Ito ang naging batayan at sandigan ng isang organisasyon sa Batangas, ang Funeraria Batangas Allied Services Corporation o FBAS. Sa pangunguna ni Mr. Ramil Basillote, founder ng FBAS, nakapagtatag siya ng isang grupo na tumutulong sa kanyang mga kapwa miyembro na ipali­bing mula sa kanilang sariling kontribusyon.

Magmula sa murang membership fee na 300 pesos, may tulong burial assistance na sa halagang 7,200 may kabaong at serbisyo na. Hindi na mahihirapan pa ang kaanak ng namatayan sa pag-iisip ng kabaong. Sa mahal ng kabaong at serbisyo, libo-libo ang kinakailangan. Ang hapdi at sakit ng mawalan tapos ang pag-iisip pa kung saan ililibing ay hindi na kailangan pang problemahin. Dito sa FBAS, sila na ang bahala sa problema mo. Sila ang tutulong sa ‘yo sa abot-kayang halagang kontribusyon. Mayroon silang sariling pagawaan ng kabaong para makamura ang bawat miyembro.

Bukod sa kabaong, mayroon din silang kakaiba at eleganteng sofa na yari rin sa kabaong. Para ma-experience ng ibang tao ang pakiramdam ng nasa kabaong at mawala ang kanilang takot dito. Mura at abot-kaya ang presyo.

Para sa mga interesado, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan kay Mr. Ramil Basillote ng FBAS sa numerong (0945) 993 6499. Maaari rin ninyo silang bisitahin sa kanilang main office sa Zone 1 Brgy. Tibig, Lipa City, Batangas. Maging sa iba’t ibang probinsya tulad ng Sto. Tomas, Nasugbu, Matabungkay, Rosario sa Batangas, Magallanes Cavite, Atimonan at Lucena sa Quezon, St. Bernard Southern Leyte, Bacolod City, Candoni Negros Occidental.

Mas mabuti na ang handa.

Comments are closed.