HINIMOK ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga mamamayan na alalahanin ang buhay at pagmamahal sa bansa ng mga bayaning Filipino.
Sa kanyang mensahe sa National Heroes Day, binigyang-parangal ng Bise Presidente ang mga naunang bayani ng bansa gaya nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang.
Ang kanila aniyang lakas ng loob at pagmamahal sa bansa ang nagtulak upang mapag-alab ang Philippine Revolution noong Agosto 1896.
Ngunit pinaalala rin ni VP Sara na alalahanin ng mga Filipino ang pinakaunang kabayanihan ni Datu Lapulapu sa Battle of Mactan na nagresulta sa kamatayan ni
Ferdinand Magellan noong 1521 at nagtuldok sa 333-taon ng pumumuno ng mga Kastila sa bansa.
Binigyang-diin ng Bise Presidente na ang naturang tagumpay sa pre-colonial Philippines ang nagpatunay na isa tayong lahi na hindi makasarili at walang takot sa mga kahirapan, lahing may malalim na pagkakaisa.
Ang atin aniyang mga bayani ay hindi lamang mga pangalan, hindi lamang silà nabubuhay sa nakaraan, kasama aniya natin síla.
Maging halimbawa aniya ang kanilang sakripisyo sa bagong henerasyon ng matatapang at inuuna ang kapakanan ng sambayanan, na pinagkakaisa ng pagmamahal sa bansa. Elma Morales