Mga laro bukas:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – TNT vs Columbian
7 p.m. – Blackwater vs Magnolia
NANATILING buhay ang pag-asa ng Alaska na makasambot ng puwesto sa quarterfinals nang pataubin ang Meralco, 92-77, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sumandal ang Aces sa balanced scoring attack kung saan limang players nito ang tumapos sa double figures upang putulin ang three-game skid at umangat sa 4-5 para sa ika-7 puwesto sa team standings.
Muling nanguna si Jeron Teng para sa Alaska na may 16 points, 7 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag sina Chris Banche-ro ng 13 points, 11 rebounds at 3 assists at Simon Enciso ng 14 points.
Subalit si Sonny Thoss ang tumanggap ng pinakamalaking papuri mula kay Aces head coach Alex Compton makaraang mag-buhos ng 13 points, 8 rebounds at 3 assists.
“He played like a boss,” wika ni Compton patungkol sa 37-anyos na player.
Naging sandigan din ng Aces sina JVee Casio at Kevin Racal na tumipa ng 12 at 9 points, ayon sa pagkakasunod, mula sa bench.
Bumagsak ang Bolts sa 3-7 kartada upang tuluyang masibak sa kontensiyon.
Nagbida si KG Canaleta para sa Meralco na may 18 points at 4 assists, habang nagdagdag si Chris Newsome ng 11 points at 9 rebounds.
Iskor:
Alaska (92) – Teng 16, Enciso 14, Banchero 13, Thoss 13, Casio 12, Racal 9, Cruz 7, Pascual 6, Baclao 2, Exciminiano 0, Ayaay 0.
Meralco (77) – Salva 23, Canaleta 18, Newsome 11, Amer 8, Quinto 5, Tolomia 4, Hodge 3, Hugnatan 2, Pinto 2, Jackson 1, Caram 0, Faundo 0.
QS: 20-16, 45-38, 69-57, 92-77