ANTIPOLO — Humihinga pa ang La Salle sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament makaraang durugin ang University of the Philippines, 73-49, kahapon sa Ynares Center dito.
Nanguna si Lee Sario para sa Lady Archers na may 13 points at 4 rebounds, habang nag-ambag si Kent Pastrana ng 11 points, 2 boards, at 2 steals sa panalo upang umangat sa 7-6 kartada.
Subalit ang panalo ay hindi naging madali para sa La Salle na maagang naghabol makaraang kunin ng UP took ang 11-2 opener.
“It’s our own demons,” wika ni coach Cholo Villanueva. “If we don’t do the right habits and not have the right mindset, disastrous things can happen. Good thing is that they turned things around.”
Tumugon ang Lady Archers ng 13-0 blast upang kunin ang 15-11 lead bago unti-unting kumawala sa Lady Maroons.
Nag-ambag si Nigerian center Maureen Okoli ng 10 points, 9 rebounds, at 2 assists para sa Lady Archers, habang tumipa si Charmaine Torres ng 10 points, 7 steals, 6 dimes, at 5 boards.
“We worked so hard to get this opportunity that we are one win away from one of our goals,” ani Villanueva. “It will boil down to this one game. We need to give all that we got for this game.”
Nagbida si Pat Pesquera para sa Lady Maroons (1-12) na may 19 points at 11 rebounds.
Samantala, nakasiguro na ang Far Eastern University ng playoff sa Final Four makaraang tambakan ang University of the East, 64-41.
Pinangunahan ni Clare Castro ang pananalasa ng Lady Tamaraws, sa pagkamada ng 14 points, 12 rebounds at 2 blocked shots.
Ang panalo ay magandang regalo para kay coach Bert Flores, na nagdiwang ng kaarawan. Umangat ang Lady Tamaraws sa 8-6 record.
“Kailangan namin ‘yan going to the Final Four. Pa-birthday na nila sa akin,” anang mentor. “Sabi ko lang, don’t give up dahil may chance pa tayo. Masyado na tayong down eh, so mabuhayan lang tayo at mabalik yung confidence nila, masaya na ako. Hindi pa tapos eh.”
Iskor:
Unang laro:
DLSU (73) — Sario 13, Pastrana 11, Okoli 10, Torres 10, Dalisay 8, Revillosa 8, Quingco 4, Espinas 3, Jimenez 2, Malarde 2, Paraiso 2, Binaohan 0, Castillo 0, Jajurie 0.
UP (49) — Pesquera 19, Sanchez 11, Ordoveza 6, Hidalgo 5, Rivera 4, Gusilatar 3, Gonzales 1, De Leon 0, Lebico 0, Lucman 0, Taulava 0.
QS: 15-13, 34-25, 62-34, 73-49.
Ikalawang laro:
FEU (64) — Quiapo 18, Castro 14, Bahuyan 12 Jumuad 8, Antiola 7, Mamaril 4, Delos Santos 1, Abat 0, Adriano 0, Bastatas 0, Pacia 0, Payadon 0, Vidal 0, Villanueva 0.
UE (41) — Terrinal 10, Ganade 9, Pedregosa 8, Cortizano 6, Cuadero 4, Ordas 4, Caraig 0, Fernandez 0, Nama 0.
QS:: 19-6, 35-14, 50-29, 64-41.
Comments are closed.