TAMPOK sa USAPANG PAYAMAN sa DWIZ882am ang pagpapakilala ni Janice “Buhay Prinsesa” Payoyo (gitna) ng kanyang produkto na Accent Piece, pang-adorno sa damit. Kuha ni ALFIE CORTEZ
TAMPOK sa radio-TV-online show na Usapang Payaman sa DWIZ 882 nitong December 15 episode ang kakaibang art product na magdudulot ng therapy sa makatatanggap nito bilang isang regalo.
Ito ay ang Accent Piece ni Janice Payoyo, isang jewelry artist at may adbokasyang palaganapin ang positivity na kanyang ginagawa sa kanyang social media.
Bilang jewelry artist, nag-shift si Janice sa paggawa ng accent piece at maaaring ma-order online.
Sa nasabing episode ng Radio-TV-Online show, naging mayaman ang talakayan nina Janice, Eunice Calma at guest host na si Riza Zuniga tungkol sa Accent Piece.
Kuwento ni Janice, bawat accent piece na kanyang ginagawa at bilang panregalo, kaniyang ina-address na “queen” ang recipient bilang inspirasyon naman sa kanyang Buhay Prinsensa.
Sa bawat accent piece na kanyang ginawa ay nais nitong mapalawak ang pagiging positibo at naniniwalang ang kakayahan niyang gumawa ng nasabing art product ay regalo mula sa Maykapal.
Sa kanyang ‘spreading positivity’ hangad ni Janice na makatulong ang produkto para sa mga may kinakaharap na challenges at mailabas ang self-expression sa pamamagitan ng art o sining.
Handa rin si Janice na manguna sa mga art therapy sa kabataan upang ma-encourage ang mga ito na sabihin ang kanilang nasa isipan at nararamdaman.
Nanawagan naman si Janice sa mga nagnanais ng kanyang produkto at serbisyo, gayundin ang collaboration maaaring mag-iwan ng mensahe sa kanyang Facebook account, Janice Payoyo.
“if you need collaboration for your business, feel free to contact me,” bahagi ng socmed post ni Janice.
o0o
Ugaliing makinig at manood ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882am, 2-3PM tuwing Linggo, sundan din sa FB Pages DWIZ 882 at PILIPINO MIRROR at YT DWIZ 882. Ang mga host ay sina Cris Galit, Susan Cambri-Abdullahi at Eunice Calma-Celario.