KATUWANG ang local government unit (LGU) at Department of Agrarian Reform (DAR) inilunsad ang “Buhay sa Gulay Project” na sinimulan sa Sunriser Village, Barangay 167 sa Caloocan City.
Naganap ang memorandum of agreement sa pagitan nina DAR Secretary John Castriciones at Mayor Oca Malapitan na naglalayong ipamulat ang kahalagahan ng pagsasaka sa kalunsuran at matulungan ang mga mahihirap na komunidad na mabawasan ang kahirapan, kagutuman at makatulong sa seguridad sa pagkain.
Ayon kay Castriciones, ang proyektong urban farming ay isang self-help start-up livelihood project kung saan ang mga katuwang na mga ahensiya ng pamahalaan at organisasyon ay nagsasama-sama, nagbabahagi ng mga kinakailangang gamit at nag-aalok ng mga oportunidad upang mabigyang kakayahan ang mga residente sa kalunsuran na makapagtanim ng kanilang mga makakain at mabigyan sila ng mapagkakakitaan.
Katuwang din ng DAR sa proyektong ito ang Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority, Bread Society International, at Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) ng DAR. VICK TANES/ EVELYN GARCIA
Comments are closed.