NANGANGALAHATI na at malapit ng matapos ang ‘Build, Build, Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pagpasok ng ikatlong taon sa puwesto ni Duterte, nasa kalahating porsiyento na rin ang nagawang mga proyekto na sinasabing golden age of infrastructure ng pamahalaan.
Nabatid na hindi bababa sa P8 trillion ang halaga ng tinaguriang “Bigtime” project ng administrasyon na kung saan ay nagsanib puwersa ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Department of Budget and Management (DBM), National Economic Develoment Authority (NEDA), De-partment of Finance (DOF) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Binigyang diin ni ‘Build, Build, Build’ Committee Chairperson Ana Mae Lamentillo, kabilang sa mga proyekto ay layong masolusyunan ang problema ng trapiko sa Metro Manila.
Ani Lamentillo, isa na rito ang Luzon Spine Expressway Network Program na may anim na expressway.
Gayundin, nitong Marso, binuksan na sa publiko ang elevated NLEX Harbor Link Segment-10 na nagdurugtong sa McArthur Highway sa Valenzuela at C3.
At sa unang bahagi naman ng taong 2020 ay matatapos ang R10 exit ramp na siyang magdurugtong sa Segment 10 sa Navotas.
Idinagdag pa nito na target din tapusin sa 2020 ang Metro Manila Skyway Stage 3 mula Buendia hanggang Balintawak sa NLEX, habang nagsimula na ang pre-construction works sa 8-kilometer NLEX-SLEX connector road.
Bahagi rin ng ‘Build, Build, Build’ ang proyektong 12 tulay sa Pasig River, Marikina River at Manggahan floodway.
Comments are closed.