SUPORTADO ng gobyernong Amerika ang Build Build Build projects ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito kahapon ni Assistant Secretary Stilwell hinggil sa kanilang Strategic Priorities sa Filipinas.
Ayon kay Asst. Sec Stilwel, mas kailangang palakasin pang lalo ang economic cooperation sa pagitan ng Filipinas at Amerika para sa higit pang pagsusulong ng ekonomiya .
“We welcome progress on legislation which could provide more opportunities for U.S. companies, especially in infrastructure, as part of the Build, Build, Build program.”
“ We look forward to building on strong momentum in areas such as energy, trade, intellectual property, and science and technology,” anang opisyal.
Bilang isa sa mga bansa na may inaangking teritoryo sa South China Sea, ang Filipinas ay nasa tamang posisyon para tiyakin na ang nilalaman ng ASEAN code of conduct ay fully consistent sa international law, pagkilala at pangangalaga sa freedom of navigation at overflight at iba pang batas hinggil sa paggamit ng karagatan para sa lahat ng bansa.
Tiniyak din ng U.S na kaisa sila ng Filipinas sa pagsugpo sa ilegal na droga na parehong suliranin ng dalawang bansa sa pamamagitan ng evi-dence-based approaches para mabawasan ang drug demand sa pamamagitan ng pagpapalawak ng prevention, treatment, and rehabilitation services. VERLIN RUIZ